ung tito ko kakauwi lang galing dasma, ba hold-up kasi ung bus(vergara lines) na sinasakyan niya. armed ng .45 saka 9mm saka may granada pa ung holdaper. mukhang handa raw pumatay kasi nagpaputok. katabi ng tito ko ung isang holdaper, ung nag declare ng hold-up. sabay paputok ng isang beses.
ingat na lang mga peeps. piliin niyo rin ung mga sasakyan, kelangan walang tint saka walang curtina para sigurado. kasi ung vergara tinted saka may curtina.
umaatake na naman ang mga hinayupak kasi magpapasko na. tsk tsk
para kasing biglang nawala nanaman ung mga checkpoint sa atin. dati nung mainit ung mga holdapan may mga checkpoint, saka bawal ang may nakababang curtain sa mga bus. para iwas holdup. ngayon lumamig lamig na mga holdaper sa mga pulis kaya umaatake nanaman sila. buti hindi natamaan ung tito ko, katabi niya mismo ung nagpaputok. kala niya daw may tama siya. hehehe
tsk tsk tsk grabe malapit na kasi ang pasko. di bale kung kukunin lang yung mga gamit mo eh kung tamaan ka pa ng bala. kahit sa ating nagdadala ng sasakyan ingat kasi napansin ko sa may macapagal sa dulo pagliko may mga nakakadudang mga pulis doon parang hindi mukhang mga pulis lalo na pag 10-11 PM. Ingat peeps.