i was entering the NLE tollbooth kagabi going north. i was second in line sa "exact toll" lane while yung delivery van nasa harapan ko. pagtapat ng van sa teller, bigay nya bayad. then medyo nagtagal. i saw him sa side mirror nya na nakikipag-diskusyon sa teller. so i though kulang yung nabigay nya bayad. then 5 minutes passed... 10 minutes... humahaba na yung line sa lane namin.. bumubusina na yung mga vehicles sa likod ko. then lumapit na yung guard tapos diskusyon ulit sila. then may inabot sa guard yung teller at may ipinalit sa kabilang booth. balik ulit dun sa teller. after nun saka pa lang nakaalis yung van.

pagtapat ko sa teller, tinanong ko kung bakit matagal. yun palang driver ng van, 1,000 na buo yung perang binabayad, eh bawal magsukli dun sa lane na yun. wala naman na ibang pera yung driver kundi yun lang. ayaw naman umalis ng van ng di sya sinusuklian kaya humaba diskusyon nila. buti na lang naawa dun sa driver at pinabarya na lang sa kabilang booth yung pera nya..

bakit naman kasi pipila sa exact toll lane eh buo naman pala pera...

la lang, naji-jingle na kasi ako kanina kaya lalo ako nainis ng nalaman ko yung dahilan..