New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 20 of 40
  1. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    3,829
    #1
    I had a car accident last January 12, 2008 on my way home to Dagupan from Rosario, La Union.

    It was 9:45 p.m., a bit of rain that time and I was cruising at 90Kph and slowed down to 80Kph due to a merging underbone and an incoming bus with high beam on. To my shock a tri-bike with three drunk men appeared suddenly in front of me. It was dark in the area of incident and they don't have a reflector, and they shouldn't be in a National Highway specially at night.

    I slammed the brakes but it was futile, I hit them at 10Kph. Galos ang damage ng dalawang pasahero, putok naman ang ulo ng driver. I rushed them to the hospital and take care of the bills, I did not even bother to complain dahil wala naman pambayad ang mga yun.

    Ayos na sana ang lahat nang bilang tumawag yun isang pasahero na hindi nagparamdam sa akin for a week, dahil namaga daw ang sugat nya at hindi na daw sya makapagtrabaho na nawala daw lahat ng gamit nya nung aksidente na according sa driver ng trike gunting at martilyo lang daw yun.

    I provided him with one week supply of prescribed medicine and promised him to give him some more if he still needs it. Ang kinaiinisan ko lang ngayon eh balak ata akong perahan ng loko, suspetsa ko is pinabayaan nya ang sugat nya para lumala at di makapagtrabaho ng matagal at singilin ako sa araw-araw na sahod nya.

    Ano ba ang pwede kong gawin? sabi kasi ng police na nag imbestiga eh wala akong kasalanan, but inspite of that sinagot ko parin ang lahat ng gastos.

  2. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    15,310
    #2
    nag file ka ba nang police report?? may pinirmahan ba kayo??

  3. Join Date
    Jan 2006
    Posts
    1,682
    #3
    Why dont you use your Third Party Liability Insurance?
    Ask him what he does for a living?
    Ask why he cant he work?
    Ask him a medical report why its impossible for him to work?
    As how much he earns in a week?
    Ask him straight what he wants, haggle half then and pay let him sign a no claim document.
    And tell him that your insurance will be the one paying?

  4. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    3,829
    #4
    Tapos na po ang police report, last week pa. Pinadala na rin sa akin ng police ang kotse nasa talyer na, OR/CR at lisensya ko. Bukas ang settlement ko sa driver, pero last week pa plantsado yun.

    Bigla lang nangulo uli tong isa, madali naman akong kausap pero may naamoy kasi akong di maganda. Balita ko eh kumuha daw sya ng police report kanina, baka para takutin ako dahil may pinsan daw sya sa NBI.

    Walang regular na trabaho ang taong to, pa kontrata-kontrata lang ng upholstery job.

  5. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    3,829
    #5
    Quote Originally Posted by 4JGtootsie View Post
    Why dont you use your Third Party Liability Insurance?
    Ask him what he does for a living?
    Ask why he cant he work?
    Ask him a medical report why its impossible for him to work?
    As how much he earns in a week?
    Ask him straight what he wants, haggle half then and pay let him sign a no claim document.
    And tell him that your insurance will be the one paying?
    Next week ko pa maasikaso ang insurance, TPL and compre.

    300/day daw sya bro at di nya ako masagot-sagot ng tinanong ko sya kung magkano ang gusto nya. Ang dami ng sinasabi, kaya medyo naiinis ako. Gusto ko na nasang hamunin na mag demandahan na lang kami. Kaso parang nakakaawa naman.

    Malalaman ko bukas sa presinto kung gano kalala ang topak ng taong to.

  6. Join Date
    May 2007
    Posts
    2,640
    #6
    Good evening Sir Coder! I hope na ikaw naman hindi ka nasaktan... Nangyari na rin sa akin yan ganyan dati at insurance nga ang nag-asikaso para hindi na ikaw ang kakausap kase pag ikaw talaga peperahan ka at di ka titigilan....

    Hwag na hwag ka magbibigay ng pera kase mawiwili sya. Kapag may kailangan sya give it in kind... Kung kelangan daw pumunta sa ospital kuno, samahan mo para talagang alam nya na di ka padadala sa kalokohan nya... Basta walang lalabas na pera... Yun lang po! Dami talagang mga halang ang kaluluwa lalu na pagdating sa mga aksidente... God bless po at ingat lang po!

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,719
    #7
    maganda siguro kung makapagdala ka ng abogado bukas

    saang presinto yan?

  8. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    3,829
    #8
    Quote Originally Posted by LadyRider View Post
    Good evening Sir Coder! I hope na ikaw naman hindi ka nasaktan... Nangyari na rin sa akin yan ganyan dati at insurance nga ang nag-asikaso para hindi na ikaw ang kakausap kase pag ikaw talaga peperahan ka at di ka titigilan....

    Hwag na hwag ka magbibigay ng pera kase mawiwili sya. Kapag may kailangan sya give it in kind... Kung kelangan daw pumunta sa ospital kuno, samahan mo para talagang alam nya na di ka padadala sa kalokohan nya... Basta walang lalabas na pera... Yun lang po! Dami talagang mga halang ang kaluluwa lalu na pagdating sa mga aksidente... God bless po at ingat lang po!
    Good advice mam, will take note of that.

    Quote Originally Posted by kinyo View Post
    maganda siguro kung makapagdala ka ng abogado bukas

    saang presinto yan?
    I'm planning bro, San Fabian, Pangasinan...

  9. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    6,107
    #9
    Have your lawyer draw up a quit claim document, have the victims sign it after you have paid them the amount that you have settled upon. Para wala na silang habol.

  10. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    1,455
    #10
    dapat may pulis report ito tapos doon nyo i-settle. question lang, ano naging findings mo at bakit sinabi mo na pinabayaan nya yung sugat nya?

  11. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    457
    #11
    to the TS, bro tingin ko wala na syang balak na perahan ka kase TALAGANG pineperahan ka na nya buti pa natuluyan na lang yang particular na taong yan para kabaong at palibing na lang sinagot mo joke. hate these kind of professional leeches

  12. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,719
    #12
    CoDer ... ygpm

  13. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    3,829
    #13
    Quote Originally Posted by puroy View Post
    dapat may pulis report ito tapos doon nyo i-settle. question lang, ano naging findings mo at bakit sinabi mo na pinabayaan nya yung sugat nya?
    Nasa akin na ang police report bro.

    Malaking galos lang kasi yung sugat nya sa braso sa may bandang elbow, lumaki daw at namaga. Ok ang result ng x-ray nya, dalawang beses pa ngang nang pa x-ray at may 1 week na supply sya na gamot.

    Yung driver kasi ang pinakamalala ang tama sa kanila, pina confine ko pa nga para maka siguro. Magaling na ngayon, eh sya na galos lang eh dami ng angal di pa marunong makiusap.

  14. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    3,829
    #14
    Quote Originally Posted by xoom View Post
    to the TS, bro tingin ko wala na syang balak na perahan ka kase TALAGANG pineperahan ka na nya buti pa natuluyan na lang yang particular na taong yan para kabaong at palibing na lang sinagot mo joke. hate these kind of professional leeches
    Heheheee... Wag naman, sa tatlo eh sya lang naman ang pasaway. Kesyo nawala daw lahat ng gamit nya at nagugutom na daw ang pamilya nya dahil di sya makapagtrabaho.

    Samantala ako eh ang laki ng worth ng billing ko ang na postpone at may malaking project ako na sisimulan sana nung January 15 na kailangan ko ding i postpone. Isang 5 year old second hand car na rin ang worth nun. Plus more than a month of itineraries ang nasira dahil wala akong sasakyan. Sarap pitpitin eh...

  15. Join Date
    Sep 2006
    Posts
    1,266
    #15
    I've passed that area (Rosario-San Fabian-Dagupan) many times already and though the stretch of road seems straight, it is often slippery during slight drizzles especially if you are running between 100-90kph. Its even worse during night time.

    Sa tingin ko ginawa mo na ang dapat mong gawin. Pero kailangan lang na may closure na ito. Asikasuhin mo na rin ang sarili mo. Remember you also have to support yourself, and not them!

    Pero sana pina alchohol test mo din sila sa hospital at nagamit mo ito sa police report. You might never know-yung isang pasaway na yan biglang mag imbento ng kwento at gumawa pa ng panibagong telenovela...
    Last edited by Hanren; January 24th, 2008 at 08:00 AM.

  16. Join Date
    Jan 2006
    Posts
    1,682
    #16
    Tinutulungan ka ba ng insurance agent mo?
    Get his calling card ang give it to the leech. Tell them to call him for anything they will need. Hirap kasi baka unauthorize settlement mangyari at hindi mareimburse sa insurance.
    That is part of what you pay insurance companies for especially comprehensive. Make your money worth it.

  17. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,174
    #17

    Grabe talaga ang ibang mga tao.... Kailangan sigurong sa pagkikita ninyo ay daragin mo na at ipamukha sa kanyang sobra na ang ginagawa niya....

    Tama rin si 4JGtootsie,- shield yourself from further encounters with them,- use your insurance.

    5202:threadmil:

  18. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    3,829
    #18
    Quote Originally Posted by 4JGtootsie View Post
    Tinutulungan ka ba ng insurance agent mo?
    Get his calling card ang give it to the leech. Tell them to call him for anything they will need. Hirap kasi baka unauthorize settlement mangyari at hindi mareimburse sa insurance.
    That is part of what you pay insurance companies for especially comprehensive. Make your money worth it.
    Ngayon ko pa lang kakausapin yun sa TPL, thanks sa advice bro. Yan ang gagawin ko.

    Quote Originally Posted by CVT View Post

    Grabe talaga ang ibang mga tao.... Kailangan sigurong sa pagkikita ninyo ay daragin mo na at ipamukha sa kanyang sobra na ang ginagawa niya....

    Tama rin si 4JGtootsie,- shield yourself from further encounters with them,- use your insurance.

    5202:threadmil:
    I want to get hold of myself as much as possible. Baka kasi di ko makontrol ang sarili ko pag mainit na ang ulo ko at maipaputol ko ang braso nya para gumaling na ang sugat nya.

  19. #19
    Bro,

    good to know you're ok...yan ang importante.....ano ba religion nung nanghihingi sayo?..hehe..joke. ANyway, yeah the guys are right, use your insurance.

    ingat palagi sa pagdrive.

    regards,

    city

  20. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    1,456
    #20
    Chief,

    meron talagang ganyang mga klaseng tao. Tama yung ibang posters let your insurance agent do the talking for you. And don't let the mokong know where you work or reside baka harrassin ka pa dun.

Page 1 of 2 12 LastLast
Balak akong perahan!