New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 20 of 48

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    108
    #1
    So pa-repair ko luma naming PC.
    Una tawag ako. Pwede ba home service. Pwede pero may
    service fee kagad pag house call. P600
    So dala ko na lang PC sa shop nila. After a day, bumigay na
    raw HD. So sila na lang pinahanap ko ng surplus HD
    (6-8 gig lang pwede na). Meron daw at 2.5k.
    Mahal naman! Meron bang mas mura yong less than 2k
    man lang. After a couple more days, meron daw
    at 2.1k (amp...pininahan pa yong gusto kong price).

    Hanap ako HD...mayroon sa SOS sa riverbank. 1k yong
    6 gig. 1.2k yong 8 gig.

    Tapos kung ipapakabit ko sa PC MEdics, meron
    daw 1.2k na installation (at reformat) ng HD, software, OS, drivers, etc.
    I-do-download daw kase nila lahat ito. Sabe ko meron ako lahat ng CD's nito.
    Provide ko kayo. Maski na raw. Fixed price sila.

    Huling hirit, kung sa kanila ko bibilhin yong HD, wala
    ba bawas yong installation. Ala daw.

    Ok so pull out na lang. Take note. Ala naman ginawa sa PC ko ha.
    Eto last straw: may diagnostic fee 400 petot! Yong may-ari mismo ang
    naningil nong pull out ko PC. Talk about desperation. :mad:

    Amp!!! Ala naman ginawa! Racket!

    Para matapos na lang (at para may kita naman sila o pandagdag sa overhead nila...alang customer sa shop e, kawawa naman), binayaran ko na lang maski masama loob ko. Ayun, kundi ko pa hiningi, di ako bibigyan ng resibo. Kapal!

    PS: sa SOS riverbank, they can do all the install at P500 service fee.
    Hinayupak yong PC Medics na yon!

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,388
    #2
    mukhang sa goon squad ata dapat to.

    dami ngang mangagantsyo basta tungkol sa pc. dali kasi manloko, sabihin lang sira un sira to etc. etc... tsk tsk.

  3. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    11,316
    #3
    kung kapitbahay lng tayo, smb light at konting pulutan lang sakin ayusin ko PC mo, parts lng gastos mo :bwahaha:

  4. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    161
    #4
    Lahat ng mga non-official service centers ganyan sila mag-raket. Tulad nung mga repair shops ng electronics appliances (yun bang merong karatula ng Sony, JVC, Sanyo, etc. halos lahat ng brand nakasulat sa sign board nila).

    Usually sasabihin nila itong IC chip na ito ang sira, worth P1,200 pero actually capacitor lang talaga ang sira which is worth P5.50 ang isa. So ang laki kagad ng tubo nila. Yung mga customers na maraming pera, they don't mind figuring out the raket basta gumana na yung TV nila, bayad lang sila.

    I think 8 out of 10 electronics repair shops will always try to screw you, one way or another. So watch out.

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,754
    #5
    sana sa mga taga tsikot mo nlang pina gawa dami PC expert dito HD lang pala problema.. you spend less and you gain friends pa sayang

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,388
    #6
    Quote Originally Posted by NightRock
    sana sa mga taga tsikot mo nlang pina gawa dami PC expert dito HD lang pala problema.. you spend less and you gain friends pa sayang
    tama

    kaya ako bago ako magpagawa ng kung anumang bagay tanong muna ako dito sa forum. baka mamaya simple lang pala problema.

    ingat na lang lagi, dami talaga manloloko.

  7. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,077
    #7
    iyon diagnostic fee.meron talaga iyon pag pull out mo .pag nagdala ka sa service center
    .pero di ko lang alam kung tama ganon price niya

    sana nga ask ka muna sa forum..kung saan ganda malapit service center na di taga or share mo ang Sira para pwede ka ma advice kung kaya mo DIY

  8. Join Date
    May 2005
    Posts
    689
    #8
    Yang DIAGNOSTIC FEE, yan daw yung hirap at pawis na dinanas nila sa iskwela para malaman yung theory nung sira ng computer mo. Kung baga, gusto nilang mabawi yung tuition fee na binayad nila. Pag inayos nila yung PC mo, yun yung LABOR FEE.

    Parang yung doctor, mahal ang consultation fee, kahit hindi ka ginamot at nagtanong ka lang. Tulad sa computer repair, may mga kupal din na duktor, chika-chika lang ng konti eh P450 na kagad ang singil nila.

    Meron ding mga tao na libre ang consultation fee. Tulad dito sa Tsikot, helpful mga tao dito. Free of charge.

  9. Join Date
    Dec 2004
    Posts
    1,310
    #9
    Quote Originally Posted by EL Chicane
    Yang DIAGNOSTIC FEE, yan daw yung hirap at pawis na dinanas nila sa iskwela para malaman yung theory nung sira ng computer mo. Kung baga, gusto nilang mabawi yung tuition fee na binayad nila. Pag inayos nila yung PC mo, yun yung LABOR FEE.

    Parang yung doctor, mahal ang consultation fee, kahit hindi ka ginamot at nagtanong ka lang. Tulad sa computer repair, may mga kupal din na duktor, chika-chika lang ng konti eh P450 na kagad ang singil nila.

    Meron ding mga tao na libre ang consultation fee. Tulad dito sa Tsikot, helpful mga tao dito. Free of charge.
    Hehehe kaya pala pagkain lang lagi sinisingil ko. Halos lahat ng "theory" na natutunan ko sa computer puro informal reading at trial-and-error. I think nasira ko na Windows sa lumang computer namin kaka-kalikot... at least three dozen times hehehe. Kung may sirang hardware, everything has a place for you to plug it in - standard!

    Yang mga computer "repair" shops, basta malaman nilang di ka marunong sa comps tatagain ka nila. Everytime dumaraan ako sa suking computer shop (kung saan ako nabili ng parts), marami akong nakikitang sticker na may nakalagay na:

    Problem: Winamp hangs. Solution: Reformat

    Yung tita ko nga, one time sinigil siya ng P12k dahil ayaw bumukas ng Internet Explorer (pambili na ng bagong comp yun)! May dumating sakin na hard drive, CD-ROM drive, speakers, motherboard, at videocard na "sira" daw, baka may magawa ako. They were all working, so lahat sila ngayon nakakabit sa isang computer somewhere.

    I have to say, nagrereformat lang talaga ako kung absolutely necessary (washed out na talaga yung OS). My friends actually bring their computers around here, and this is how the conversation often goes:

    Friend: Anong sira? Format na ba yan?
    Me: We'll see. Kung kaya pa ng Windows install mo, linis lang katapat niyan.
    <2 days later>
    Friend (on the phone): Pare anong ginawa mo sa PC ko bakit ambilis?
    Me: Hehehe. Magic. Joke lang cleanup job ginawa ko diyan.

  10. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    3,231
    #10
    daming ganyan.. that's why I decided to learn how to do it myself na lang.

    minsan, reformat lang ng HD para ma-recognize lang na 80 gig, siningil nako ng 500 pesos!! nakakapang-init talaga ng ulo...

  11. #11
    2.5K for a 2nd hand HD, dagdag ka lang ng konte may BNew ka na. The best talaga pag DIY, makakatipid ka na at dagdag kaalaman pa.

  12. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,077
    #12
    500 pesos yata rate nila pag reformat...

    600 pag home service..or depende kung taga talaga ang technician

  13. #13
    ganun? raket,a!

    honestly ha, minimum na singil ko dito sa amin ay 100...pag di ko nagawa, no charge.

    ngayon, reformat na ginagawa ko 500 lang sisingilin ko...akin pa ung O.S....

    tuloy kala ko mahal ang singil ko.....

  14. Join Date
    May 2005
    Posts
    689
    #14
    Quote Originally Posted by alwayz_yummy
    ngayon, reformat na ginagawa ko 500 lang sisingilin ko...akin pa ung O.S....

    tuloy kala ko mahal ang singil ko.....
    Pre, ibig mong sabihin ita-type mo lang "format c:" - P500 na singil mo? Ayus ah.

  15. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,388
    #15
    Quote Originally Posted by EL Chicane
    Pre, ibig mong sabihin ita-type mo lang "format c:" - P500 na singil mo? Ayus ah.
    kasama na siguro diyan installation ng OS (pirated malamang). ganyan naman common na singilan sa reformat at installation ng OS. parang mahal nga sa 500 kung may alam ka sa PC. pero dahil ganyan na ung standard na singil, na pagtyatyagaan na.

  16. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    1,057
    #16
    Quote Originally Posted by EL Chicane
    Pre, ibig mong sabihin ita-type mo lang "format c:" - P500 na singil mo? Ayus ah.
    kasama na pala ang pag install ng software kala ko rin eh hehehehe! boot disk lang kelangan hehehehe!!! format c:/q
    para sa mainipin mas mabilis hehehe

  17. Join Date
    May 2005
    Posts
    689
    #17
    Ganun ba? O sige, sakin na lang kayo magpa-format, P450 lang! May libreng chocnut pa.

  18. Join Date
    May 2010
    Posts
    743
    #18
    mas mura sa gilmore magpagawa.. marami pang parts na pagpipilian hirap lang parking!

  19. Join Date
    May 2009
    Posts
    564
    #19
    Kaya nga nag-aral ako mag-upgrade at basic repair ng computer namin... alam ko na pag PSU, RAM, HDD/hardware problem lang sya. Pag di ko maayos, I try reformatting and reinstalling everything first. Rarely do I need to go to a computer tech pa.

    About a month ago lang, I wanted to make sure all the components were installed correctly before and after doing an upgrade kaya kumuha ako ng tech. Nagtataka ako when I had him clean the insides of my computer he asked, "Sir, 1gig ang RAM nito no?" I told him no, it was 2gig. He kept insisting it was just one gig kaya we removed the RAM, di namin makita dun kaya I booted up the PC then showed him. Tahimik lang sya. I made sure he saw it kasi I was suspecting that he planned to switch some parts.

    When I was just a newbie and didn't know much about computers, andaming times na kaming naloko. Once I hired our hospital's free-lance computer tech ganyan din nangyari, bumaba ang RAM namin... I asked him if he replaced it, nagalit pa. May isa pa nagpalagay ako ng isa pang PCI device, pag-uwi namin di naman gumagana. I had another tech take a look at it, mali pala lagay.

    I finally decided to learn a little bit about the computers kaya ngayon ako na nag-aayos ng computers namin. Kahit sa hospital namin ako ang nag-upgrade at install ng department computer namin.

    Do you know that when you buy the branded desktops you're paying almost 1/4 to a half more than when you just make/install your own?
    About 6 months ago I bought an amd athlon II x2 system whose parts I myself installed. When I checked with the branded ones, I had a better-performing, higher-end system than the one they're selling at villman for almost the same price!

    So my point is, try to learn about computers so you can outsmart the computer technicians.

  20. #20
    Quote Originally Posted by EL Chicane
    Pre, ibig mong sabihin ita-type mo lang "format c:" - P500 na singil mo? Ayus ah.
    nope.pag ganun, baka pang turon at drinks lang pwede na sa akin..kung sila gagawa, at papaturo lang sila, no charge un... (bahala na kung magbibigay sila)

    i mean is:

    clean the CPU, check bios for errors, fdisk, reformat, install xp, install drivers(kung mas bago ung sa akin, un ang ilalagay ko) and kung mayron silang sariling program/apllication/games, install ko na din kung gusto nila...parang all-in-all P500 pesos.."full working pc"...kung nagka-problem agad, balik nalang nila, free of charge..

    pero kung programs at files ko na, add nalang ng 10-100 depende sa dami..pero pag may sirang piyesa talaga, i advise them na sila nalang ang bumili, install ko nalang kung di nila alam..

    kasama na din tutorial pa ako para alam na nila gagawin nila sa susunod...at kung ganu kadali ang problema nila...

    pero bago ako maningil, trabaho muna..pag di gumana, no pay

    aaminin ko, sayang ang kita, pero parang nakakaconsensya kasi alam ko, katulad ko, hirap din sa pera.... nagaling din naman ako sa pagiging inosente sa pag-ayo sa pc...gusto ko din lang bahagi..i think of it nalang as a crash course for them at para na din makasave sila sa pc nila sa susunod...and honestly, minsan kasi, tinatamad ako mangalikot pa ng iba pang PC e dito nga sa shop madalas nagloloko ang pc...

    un lang, di ako nag-hohome service, dito ko sa shop ko gagawin ung pagawa....wala kasi akong bantay dito sa shop,e...
    Last edited by alwayz_yummy; October 10th, 2005 at 01:41 AM.

Page 1 of 3 123 LastLast
Maski saan WAG lang sa PC Medics sa Kalayaan (near QCity Hall)