Anong gagawin ninyo... kapag sa highway... alam na nung nasa kaliwa mo na blocked na yung lane niya tapos instead na mag slowdown ay nag accelerate at nag cut sa harapan mo? Hindi mo naman tinutukan yung nasa harap mo (para hindi sya maka cut) kasi highway nga ito. Nag flash ka na to indicate your right of way.
Kasi ang ginawa ko kagabi eh nung maluwag na ulit ang highway edi side to side racing. Nung nauna na ako, nag cut ako sa harap niya then accelerate ulit.
Tapos nagkaroon na naman ulit ng blocked na lane (due to NLEX construction). Nakita kong sinubukan niya yung ganung manuever sa truck sa likod ko (para habulin ako). Pero hindi siya umubra at mabilis rin at tuluyan na siyang naipit ng truck.
Sa tingin nyo ba ay ok gumanti ng pag cut? Nakakainis na kasi... nanahimik ka tapos ala man lamang signal biglang mag cucut! Pero kung gumamit ng turn signal pinababayaan ko na...