New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 4 1234 LastLast
Results 1 to 20 of 67
  1. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    4,600
    #1
    ewan ko lang kung ito ang tamang forum para dito. nitong mga nakaraang linggo kasi lagi kaming nagtatalo ng misis ko at mga sis ko tungkol sa hindi ko pag-abot ng barya sa mga mokong nato. katwiran ko kasi, madalas sa minsan hindi ko naman talaga kailangan ang tulong nila. ang kinabubuwistan ko sa mga ugok nato yung mag-isa ka lang nakaparada, tapos pag pabalik ka na sa sasakyan mo, bigla na lang may susulpot para mag assist sa kaya o kinaya mo namang gawin. o kaya hihingi ng barya sayo dahil binantayan daw nila ang sasakyan mo kahit hindi mo naman sila dinatnan doon o pumarada ka kasi sa "teritoryo" nila? simpleng kikil. may parking boy nga dito sa banawe na inaabutan ko pa minsan-minsan pero nanakawan pa rin ako ng side mirrors.
    mapa jollibee, chowking, mcdo o saan man na may guard makikita mo pa rin mga to. ang worse lang naman na nangyari sakin tinapik ng malakas gilid ng sasakyan ko dahil hindi ako nag-abot.
    para sakin kahit kaunting barya lang na ibinibigay mo, nangungunsinti ka na sa gawaing tamad at pambobo.

  2. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    3,822
    #2
    depends on the situation minsan nag aabot madalas hindi, pag kelangan ko talaga ng tulong or medyo mahihirapan ako lumabas sa parking then inaabutan ko mga parking boys. pero pag sobrang dali lang naman lumabas sa parking tapos senyas pa din ng senyas syempre hindi ako nag bibigay, nakakaasar lang yung iba na mag isa ka na nga lang sa parking tapos obvious naman na di talaga kelangan ng tulong. so far di ko pa naman na experience na hampasin ng parking boy ang kotse ko. subukan lang nila at makaka tikim sila.

  3. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    57,767
    #3
    Mas nakakainis yung mga bata na maliliit kasi minsan pupuwesto sa ginta ng rear bumper eh hindi naman siya kita!!! Makakasagasa pa ko.

    These parking boys cause me to avoid certain places. Sa BF, I would avoid the 711 at President's avenue across Ralph's because of them.

  4. Join Date
    Jun 2008
    Posts
    89
    #4
    abutan nyo nalang ng kahit singko. baka gasgasan pa kotse nyo pag paalis na kayo.

  5. Join Date
    Mar 2004
    Posts
    2,053
    #5
    Minsan sisirain pa nila yung diskarte mo sa pagparada!
    Tapos nakaka irita pa yung hirit nila --- "GEHHHH....GEHHHH....GEHHHHH ATRAS....GEH...GEH ATRASSS."

  6. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    2,566
    #6
    Quote Originally Posted by ess View Post
    Minsan sisirain pa nila yung diskarte mo sa pagparada!
    Tapos nakaka irita pa yung hirit nila --- "GEHHHH....GEHHHH....GEHHHHH ATRAS....GEH...GEH ATRASSS."
    tas.. sasabayan ng

    kasya kasya kasya...
    sabay may maririnig ka ng ka-blag

    tas sasabihin sa u ng parking boy.. sabi ko sa u may puno ng akasya

    yari hahahah

  7. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    45,927
    #7
    usually di ako nag aabot sa mga parking boy

    di naman kelangan ng tulong nila

    nag aabot lang ako pag talaga nakatulong sila

    like pag madami sasakyan tapos hinarang nila para makalabas ako

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,599
    #8
    ako nagbibigay basta pag park ko andiyan na yun tao, pag wala siya then wala.

  9. Join Date
    Apr 2011
    Posts
    523
    #9
    Quote Originally Posted by jansky View Post
    tas.. sasabayan ng

    kasya kasya kasya...
    sabay may maririnig ka ng ka-blag

    tas sasabihin sa u ng parking boy.. sabi ko sa u may puno ng akasya

    yari hahahah
    dapat nasa joke time to. hehehe!

    BTT:

    pag nandun sya bago palang ako magpark maaring mag abot ako pero kun wala at sumulpot lang sya pag papaalis nako, pasensyahan na lang.

  10. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    4,600
    #10
    sa office kasi ni misis pinagkakakitaan ng mga mokong yung parking pag gabi. magsusulputan sila parang kabuti pag walana yung guard. 20 nga singil ng mga ungas nato.

  11. Join Date
    Apr 2006
    Posts
    8
    #11
    ganyan talaga. live with it. asa pinas ka eh

  12. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    7,186
    #12
    kadalasan ay nag aabot. kundi 5 o 10 petot.

  13. Join Date
    Mar 2011
    Posts
    17
    #13
    It all depends if they really helped. If that "parking boy" is the "official" parking boy for that establishment, if he was polite and really helped you back up, I'd give around Php5. With security guards, I usually give them the same amount. *might sound kuripot, but hey money doesn't grow on trees*

    What irritates me is when its kids that are doing these. There more of an obstruction rather than help. And they shouldn't be on the streets. There was this one time when my brother and I drove through Burger King E. Rodriguez Branch (near St. Lukes). The street kids there were 'trying' to "help" as we exited the drive-thru road. Those kids were right infront of the car and at the drivers side, obviously harang lang sila and baka madali mo pa. So my brother honked his horn so that the kids could get out of our way, they did move but they threw ice cubes at our car. Good thing it didn't hit the windows.

    Oh, beware of parking along Katipunan as well. Specifically at National Book Store near the over pass. Parking boys there hit your car and curse you if you don't give them cash. Tsktsk.

  14. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    387
    #14
    If the parking boy is courteous and makes an effort to assist me in backing up by alerting me on incoming traffic, I give naman kahit P10 lang. We are a poor country and if you own a car, you probably belong to the top ten percent of the population. With a simple twist of fate, he could be the one in the car and you in his shoes. Thank your lucky stars and show some compassion to our poor countrymen.

  15. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,819
    #15
    depende syempre. pag suki kami dun sa parking na yun nag-aabot kasi priority ka lagi. as in pag nakita na car ko at may kasabay e nire-reserve yung parking for me. syempre hindi naman garapal, pa-simple lang naman ang lagay ng reserve na sign tapos sabay kaway sa akin hehehe. saka dahil nga suki na, lalo na dun sa tutorial ng mga anak ko na kung saan malimit 4x a day kami andun e kahit minsan lang ako magbigay sa 4x na pumarada ako e todo service pa din - open ng doors pag may dala, bitbit ng bag ng anak ko, service ng payong pag umuulan. p20 bigay ko dun e kaya todo service. sa ibang nagpa-park dun pag kuripot di nila pinapansin, tinatawanan lang nila pag malakas ulan tapos baba ng car nababasa.

    pag yung mga parking boys na bigla na lang sumusulpot malaki na yung P10 kung bigyan ko. malimit nga wala pa. pero pag kasama ko si misis nagagalit sa akin pag di ako nagbigay so bigay na din.

  16. Join Date
    Jun 2010
    Posts
    354
    #16
    ang nakaka irita jan pag di mo binigyan hahampasin yung car mo sabay takbo. kaya lagi na akong nag bibigay kahit 5pesos. sama mo na yung mga nag lilinis ng windshield pag naulan pag umayaw ka hahampasin ung sasakyan. tapos mag iiwan ng sabon

  17. Join Date
    Aug 2010
    Posts
    3,527
    #17
    Ang kilangan mo lang dyan is to always bring a pellet gun

  18. Join Date
    May 2009
    Posts
    43
    #18
    eto paps ang badtrip. nung nagbayad ako ng tubig sa 7-11 sa may ortigas extension. Si misis lang ang bumaba at naiwan ako sa car. nung paalis na kami humihingi yung parking boy.

  19. Join Date
    Feb 2003
    Posts
    618
    #19
    Basta ako if im not frequent in that place ndi ako nagbibigay. Pero kapag alam ko babalik pa ako dun ng madalas i definitly give kahit na 5 pesos

  20. Join Date
    Jun 2010
    Posts
    797
    #20
    bad trip mga iyan eh sa totoo lang most of the time hindi ko naman sila kailangan talaga sagabal lang.

Page 1 of 4 1234 LastLast
parking boyz!