New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 17 of 17
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    14,822
    #1
    Ang galeng talaga ng mga jeepney driver. Sige, ginamit na niyang humps yung luma niyang gulong at inilatag sa kalsada (ang layo naman niya sa kanto para maglagay nga ng humps). Tapos hindi pa nakuntento. Kulang daw yun kaya nilagyan ng buo pang gulong sa magkabilang dulo ng daan. Para daw hindi malapit sa kanilang bahay ang kotse kapag dumaan. BUSET!


  2. Join Date
    Mar 2004
    Posts
    814
    #2
    ang sarap ibat nyan sa loob ng bahay noh.

  3. Join Date
    Jul 2004
    Posts
    1,540
    #3
    labo naman nun. some people are just plain dumb

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,470
    #4
    suggestion kunin mo na lang yung gulong tapos benta sa junk shop hehehehehe......

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,433
    #5
    nasan yung jeepney driver?

    tama, pulutin mo nalang yung gulong at ibenta!
    Signature

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    14,822
    #6
    eto pa...



    Kia Pride, lady driven. Pumarada ng naka balandra sa Network Ave at naka labas ang pwet ng kotse nya. Naging one-way bigla ang daan dahil sa kanya at nag bottleneck. Yung lumabas na taga palengke pa para mag traffic.



    After 5 minutes, napansin rin niya na yung kotse niya ang cause ng traffic. Pinarada ng maayos. Ayun, biglang luwag ulit ang daan (bumibili pala ng bigas)

  7. Join Date
    May 2004
    Posts
    1,175
    #7
    Ipahakot mo sa basurero...hehehe

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,433
    #8
    kapag ganyan, hindi ko tinitigilan ng busina hanggang ayusin nya pagkaparada nya!
    Signature

  9. Join Date
    Jul 2004
    Posts
    1,540
    #9
    tama yan businahan hanggang hindi ayusin! mga salot sa trafik! nakakainis yan mga inconsiderate drivers.

  10. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    2,407
    #10
    bad trip yung humps na gulong. pero baka may muntik ng masagasaan sa area na yan kaya may hump.

  11. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,433
    #11
    sa pagkakaalam ko, dapat meron permit from DPWH or the City Engineer's Office bago pwede maglagay ng humps sa daan. kaya pwedeng tanggalin yung mga makeshift na humps ng kahit sino at hindi pwedeng magreklamo yung naglagay. dahil kung meron permit yan, siguradong cemented humps ang ipapalagay.
    Signature

  12. Join Date
    Oct 2004
    Posts
    2,315
    #12
    Pwede ito ireport sa mmda para iclear nila itong mga harang sa daan baka pagmultahin pa yan. O kaya report niyo sa basurero para hakutin yun mga basura nila!

  13. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    14,822
    #13
    Jeepneys double parking along Abad Santos...

    ang problema eh 10 meters ahead of them... pwede pang mag park ng matino... leche...




    eto pa... parang 5-lane ang daan na ito... NORMALLY may naka double park sa right side may single parking sa left side... para makaka daan pa ang two-lane traffic... kaso may nag triple park pa!!!

    Last edited by mazdamazda; April 8th, 2005 at 11:20 AM.

  14. Join Date
    Oct 2004
    Posts
    2,315
    #14
    dapat impound yan mga yan

  15. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,433
    #15
    sa may abad santos din, dun sa parang abandoned hospital yung meron pang katabing police sub station, dapat 4 lanes ang abad santos sa part na yun, nagiging 2 lanes nalang dahil dun naka park mga passenger jeepneys (meron pa yatang talyer dun), pati mga owner type jeeps ng mga police dun din nakapark.
    Signature

  16. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    14,822
    #16
    Quote Originally Posted by boybi
    sa may abad santos din, dun sa parang abandoned hospital yung meron pang katabing police sub station, dapat 4 lanes ang abad santos sa part na yun, nagiging 2 lanes nalang dahil dun naka park mga passenger jeepneys (meron pa yatang talyer dun), pati mga owner type jeeps ng mga police dun din nakapark.
    hayun nga un!!! (kung saan ako nag pix).

    minsan loko pa... naka perpendicular parking pa!!! eh just one building ahead (abandoned rin) maluwag ang parking (sa sidewalk pa).

  17. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    4,631
    #17
    Ako kanina, nasa Kamias na naman, naka-green na yung lane ko sa intersection, nang may nakita akong jeepney na nagsasakay pa ng pasahero sa tapat ng BingGo, tabi ng Jollibee. Busina ako ng matagal sabay maniobra sa harap niya, para pwesto na ako pa-kanan ng EDSA. Eksakto pag preno ko naka-red na uli sa intersection. Pagtingin ko sa rear view mirror, may MMDA na sumisita na sa jeepney driver, narinig siguro yung busina ko. Halatang nakikipagtalo pa ang lokong driver, ako naman tinuturo ng enforcer, kasi nga naman naabutan na ako ng red light dahil nakaharang yung jeep sa gitna ng kalye. Maganda pa nun, since naka-pwesto agad ako sa harap nung jeep, hindi na niya natakasan yung enforcer na naninita.

    Bogeyman - thrrrrreeeeeee poooooooiiiiiiiiiiintsssss! :D
    Last edited by Bogeyman; April 19th, 2005 at 12:39 PM.

Road Obstacles