New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 20 of 50
  1. Join Date
    Jan 2013
    Posts
    1,851
    #1
    It's not always but I have my fair share of instances when I lose the tire valve cover of my auto.

    Dati bumibili pa ako nung mahal or basta yung may kulay or chrome kaso nung ilang beses na nawawala when I park sa public places I just stick with the regular black plastic ones. May nakita pa ako dati na mahal na cover, may tire pressure indicator.

    Ang malabo just last week, pati yung plastic na itim nawalan ako ng isa. Kinuha ko tuloy muna yung nakakabit sa bike ko hehehe

    I don't get it. Ano ba ito, collection nila o trip lang. Like before when I lost the chrome one, isa lang naman nawala. Sana kinuha na nya lahat para bagay naman sa kotse nya hindi yung iba iba itsura.

    What do they get or earn from stealing one's tire valve cover?

    Nakakaawa naman mga Pilipino, pati yun ninanakaw. I pity them and somehow nakakahiya na umaabot sa ganun. Pati plastik pinapatos. Trip lang? Wala lang? Walang magawa sa buhay?

    How about you guys? Nawalan o nanakawan na rin ba kayo nito?

  2. Join Date
    Oct 2011
    Posts
    26,781
    #2
    ^

    Sir, hindi lang tyre valve cover, pati wheel cap pa nga eh or worst ung spare tyre mo.

  3. Join Date
    Jan 2013
    Posts
    1,851
    #3
    Quote Originally Posted by Retz View Post
    ^

    Sir, hindi lang tyre valve cover, pati wheel cap pa nga eh or worst ung spare tyre mo.
    Sir Retz,

    Mas maintindihan ko pa nga yung lohika ng pagnanakaw ng gulong o wheel cap eh. Pero isang maliit na plastik na pantakip ng valve? What's happening to our country?

    Kahit sa sarili di na nahiya, halagang Php2.50 (assuming the average set of four costs Php10) nanakawin pa.

    Anlabo!

  4. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    2,938
    #4
    Kinuhanan din ako nung isang gas boy sa shell station along laong-laan. Nagpakarga ako ng hangin tapos kinabukasan chineck ko nawala na. Siya lang ang suspect ko kasi may garahe naman ako at di ko pinapark sa harap namin sasakyan ko. Tsktsk

  5. Join Date
    Oct 2012
    Posts
    572
    #5
    i think the most logical explanation to this is...trip lang. but the real question is nature na ba ng mga pinoy ang mamerwisyo? yung tipong kahit di nya papakinabangan eh nanakawin pa rin just for the heck of it? i'm not telling all pinoys are the same to make it clear.

  6. Join Date
    Mar 2012
    Posts
    1,945
    #6
    Quote Originally Posted by beni23 View Post
    Kinuhanan din ako nung isang gas boy sa shell station along laong-laan. Nagpakarga ako ng hangin tapos kinabukasan chineck ko nawala na. Siya lang ang suspect ko kasi may garahe naman ako at di ko pinapark sa harap namin sasakyan ko. Tsktsk
    Baka nakalimutan lang ibalik sir. :D

    Sent from my GT-I9300 using Tapatalk 2

  7. Join Date
    Nov 2011
    Posts
    473
    #7
    Quote Originally Posted by bobzy View Post
    i think the most logical explanation to this is...trip lang. but the real question is nature na ba ng mga pinoy ang mamerwisyo? yung tipong kahit di nya papakinabangan eh nanakawin pa rin just for the heck of it? i'm not telling all pinoys are the same to make it clear.
    yes this is the answer, iwan mo lang, mawawala na, o kaya naman susulatan kung makapal ang alikabok or worst gagasgasan!

    kung maayos mamuhay lang ang mga pinoy, they would say my time is not worth doing those...

  8. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    8,452
    #8
    Last instance na naranasan ko ito is nung may ni-cover kaming kasal sa Laguna. Naka-park ang sasakyan ko sa labas ng resort na nasa loob ng isang average type na subdivision. Eh gabi na kami umuwi. Pagkagising ko sa umaga, sinabiha nalang ako ng erpats ko na wala na takip yun mga pito ng gulong ko. Eh chrome yun takip nun pero plastic lang naman. Sabi ko, peste naman yun mga tao na yun sa lugar na yun. Lahat ng takip ninakaw.

    Nangyari din ito sa akin nung one time nandun ako sa house ng relatives ng gf ko. Ninakawan ako ng 2 takip.

    Ito pa, nung pina-body paint namin yun isang sasakyan namin sa casa, nawalan ako ng mga takip. Peste talaga. Di ko nalang nireport sa casa yun dahil maliit lang na bagay yun.

    Now, sa mga gusto ng mamahaling tire valve cover na hindi halatang mahal, meron sa Concorde na binebenta. Nasa 200+ ang isang set at meron doon black colored. Aakalain mong plastic yun takip pero ang totoo eh aluminum siya. Yan ang binibili kong takip pag ako nawalan. Iwas na ko sa mga chrome o shiny na takip.

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    17,338
    #9
    Usually, nagnanakaw sa tire valve cover ko dati, mga bata. Nililipat sa biskleta nila.

    Yung bakal na cover, if you tighten it, mahirap din tanggalin.

  10. Join Date
    Dec 2006
    Posts
    57
    #10
    Mga Bata nga malimit magnakaw ng valve cover,young sa akin una dalawa ang nawala sa likod tapos sa Harap naman ang ninakaw,sa divisoria may nabili ako 30 petot ang apat alloy rin kaya pwede na

  11. Join Date
    May 2006
    Posts
    913
    #11
    happened to me a lot.. so i just buy the cheap valve covers from the 88 peso store or japanesse store. but since then i upgraded my valves to the steel types.. and when you put the valve cover,, i tighten it with a pliers and i havent lost one in a while.. i guess the kids and those wanting to steal the covers dont carry pliers with them to loosen the valve covers.. hehehe..

  12. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    1,870
    #12
    sa mga suking gasoline station ko, di pa naman ako nananakawan ng pito.
    madali ngang nakawin ito kung talagang gugustuhin, madali ring magpa- lusot...

    scece: magpapahangin ka ng gulong. si buboy kolokoy naman, kakatokin na ang pito, lagay sa bulsa.
    bago ka umalis, bigay ka rin siyempre ng tip, sakali mang walang bayad ang pahangin.
    eh di aalis ka na, bigla maiisip mo "ah, 'yung mga pito ko, baka di naibalik...". hinto, baba, makita mo, wala.
    balik kay kolokoy. tanong- tanong... si kolokoy naman, kunwari pahanap- hanap sa paligid.... dukot pito sa bulsa.
    presto! sabihin na lang "sir, eto pala mga pito niyo, nalaglag!"
    hahaha! pinoy style nga naman... bulok na bulok na, ginagawa pa rin.

  13. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    1,557
    #13
    This happened to me before when my car was still new. We went somewhere then the next day I noticed that one tire valve cover was missing. Sa inis ko, tinanggal ko na lahat bago pa nila manakaw lahat. Ngayon nakatago lang sila and very, very shiny pa.hehe At least wala na silang mananakaw.

    Peste talaga yang mga tao na mahilig magnakaw. And yes, even those cheap plastic black ones, di nila pinapatawad.

  14. Join Date
    Jan 2013
    Posts
    1,851
    #14
    Quote Originally Posted by vinj View Post
    Usually, nagnanakaw sa tire valve cover ko dati, mga bata. Nililipat sa biskleta nila.

    Yung bakal na cover, if you tighten it, mahirap din tanggalin.
    ang problema sir vinj kapag kelangan na hanginan mahirap rin tanggalin. happened to me once sa isang kotse, had to use force and pliers pa just to remove the cover. kalako masisira yung pito.

  15. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    17,338
    #15
    Quote Originally Posted by remzam View Post
    ang problema sir vinj kapag kelangan na hanginan mahirap rin tanggalin. happened to me once sa isang kotse, had to use force and pliers pa just to remove the cover. kalako masisira yung pito.
    In my case i just use the extra grip from a chamois to unscrew it.

  16. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    4,600
    #16
    nagpapahangin ka ba ng gulong sa gasolinahan?
    plastic cap na itim ba kamo?
    kundi kakawatin ng may bike.
    malamang di naibalik nung naghangin.
    ilang beses nakong nawawalan ng plastic cap na yan dahil nakakalimutan ibalik nung naghahangin kahit lagi kong pinapaalala.
    punta ka sa mga vulcanizing, dami dun binibigay lang nila yan.

  17. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,819
    #17
    nung dun pa kami nakatira sa old "ondoy" house namin dati lagi 3 nawawala na tyre valve covers. yun pa chrome nilalagay ko. sino pa ba kukuha ng 3 e di tricycle driver! minsan pumunta ako sa palenke nag-tricycle lang ako. kita ko yung tyre valves nya gaya ng nawala sa akin. di ako nagbayad, sabi ko sa kanya "mamya pag pauwi na ko hahanapin ulit kita di rin ulit ako magbabayad." aangal sana si loko e tinuro ko yung tyre valve nya sabay "galing sa akin yan e." nagtago na si loko nung pauwi na ko di na nagpakita pa.

    ngayon yung black plastic na lang. libre lang sa tyre shops yun.

  18. Join Date
    Sep 2011
    Posts
    454
    #18
    Quote Originally Posted by holdencaulfield View Post
    nagpapahangin ka ba ng gulong sa gasolinahan?
    plastic cap na itim ba kamo?
    kundi kakawatin ng may bike.
    malamang di naibalik nung naghangin.
    ilang beses nakong nawawalan ng plastic cap na yan dahil nakakalimutan ibalik nung naghahangin kahit lagi kong pinapaalala.
    punta ka sa mga vulcanizing, dami dun binibigay lang nila yan.
    oo nga sir. may kaibigan ako may vulcanizing shop. dun ako nanghingi ng stocks ng caps. hehe reserba.

  19. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    17,338
    #19
    Quote Originally Posted by holdencaulfield View Post
    nagpapahangin ka ba ng gulong sa gasolinahan?
    plastic cap na itim ba kamo?
    kundi kakawatin ng may bike.
    malamang di naibalik nung naghangin.
    ilang beses nakong nawawalan ng plastic cap na yan dahil nakakalimutan ibalik nung naghahangin kahit lagi kong pinapaalala.
    punta ka sa mga vulcanizing, dami dun binibigay lang nila yan.
    Kaya sa gas station, ako mismo naghahangin or pag may naghangin na gas attendant, i go down and watch to ensure na tama yung pressure at mahigpit na binalik ang tire cap. I noticed they either don't return it or sobrang luwang ng tire cap.

  20. Join Date
    Jan 2013
    Posts
    1,851
    #20
    Quote Originally Posted by yebo View Post
    nung dun pa kami nakatira sa old "ondoy" house namin dati lagi 3 nawawala na tyre valve covers. yun pa chrome nilalagay ko. sino pa ba kukuha ng 3 e di tricycle driver! minsan pumunta ako sa palenke nag-tricycle lang ako. kita ko yung tyre valves nya gaya ng nawala sa akin. di ako nagbayad, sabi ko sa kanya "mamya pag pauwi na ko hahanapin ulit kita di rin ulit ako magbabayad." aangal sana si loko e tinuro ko yung tyre valve nya sabay "galing sa akin yan e." nagtago na si loko nung pauwi na ko di na nagpakita pa.

    ngayon yung black plastic na lang. libre lang sa tyre shops yun.
    guilty ang loko!

Page 1 of 3 123 LastLast

Tags for this Thread

Losing Tire Valve Cover