I am a new driver and first time kong makaranas nang Flat Tire. I was driving at Shaw Blvd papuntang Quiapo. I remember na may Vulcanizing Shop jan sa may Danny Floro St so I took a right turn from Shaw and went to this shop. Nasa Oranbo area ito, yung sa may kahabaan nang motels.
Nung tinanggal na yung gulong ko, at nilublob sa water, nakita namin na may pako. So oks lang yun, tapos may pinakita sya sa akin na another 6 na maliliit na butas na tabi tabi with 1 inch ang pagitan sa may side ng tire na malapit sa mags. Sabi nya, nadamay na lang yun. Since bago lang akong driver, tinanggap ko na lang yung cnabi nya na yun.
Ang problem nga lang nun, kulang ang dala kong cash. Syempre mahal ang bayad pag 6 ang butas na aayusin. Since late na rin ako for work so I decided na ipalagay na lang yung reserve tire ko tapos dun na lang sa malapit sa amin na Vulcanizing Shop sa bahay namin ako magpapaayos.
Dinala ko sa lugar namin yung tire at cnabi nya na yung 6 na butas na tabi-tabi na yun ay sinadyang butasin nung taga Vulcanazing. Dun daw kasi sa side nang gulong na yung ang pinaka malambot at madaling butasin. Gumagamit sila nang maliit lang na pointed object para gawin yun. Ginagawa daw yun habang tinatanggal yung gulong sa vehicle. Mina-master daw yung ganung move para nde mapansin nang customer. Raket nila yun para mas malaki ang kita nila kasi mas madami silang butas na aayusin. Dinagdag pa nya, gawain din daw kasi nila yung ganung raket before pero itinigil na nila kasi nakonsensya na rin sila. Halos lahat daw nang mga Vulcanzing jan sa C5 area ay ganun din ang raket.
Charged to experience na lang tong nangyari sa akin na to.
Warning ko lang sa inyo ito guys. Na- realize ko lang na napaka-odd na may 6 na tabi tabing butas sa gulong ko.
funny thing is, lagi ako nagpapa-vulcanize at this hole in the wall sa evangelista. and they've been honest to a fault, nakokonsiyensiya nga ako eh. one time na-deflate yung new tire ko, yun pala walang "black crap on the rim" (yung pinapahid to improve the air seal between the rubber and rim). so punta ako dun on my reserve tire, worried pa naman ako.. anyway nahanap din nila, tapos 30 petot yung charge. :P nahiya tuloy ako dinagdagan ko ng 50.
ako isa lang ang pinupuntahan kong shop for tires.. dito sa may quirino ave corner san marcelino... 60 petot ang patch. 3x na ako nag punta doon ok naman sila.. CARWILL ang name ata..
Smething similar happened to us too. The thing is, because we had run-flat tires, we sensed the loss of air at the Fort na. I think we got hit at C5 near Kalayaan intersection at 3AM while on the way to the airport.
When the tire was vulcanized, we saw also about 5 holes close to each other on the tire wall. Only one is really leaking air, the others sort of got plugged by themselves because of the rigid walls of the run-flat tire design. So the shop repaired only one hole.
Kaya ako rin sa Goodyear Servitek (Better Living) nagpapagawa, ok naman service and price nila, mabait rin yung mga tao dun, kahit nung pinacheck ko suspension sabi nila wala daw problems, di tulad ng iba kung ano ano nahahanap...
hindi na rin ako nagpapa vulcanize sa tabi-tabi dahil minsan eh mas mahal sila sumingil, kung minsan eh kinakayod pa nila yung loob ng tires para ilagay yung patch, tapos minsan gasgas pa ang mags... kaya kahit mahal eh sa servitek (west ave) ako.. medyo mas honest mga tao dun hehe.. medyo lang ah..
thanks for the warning. ako din sa mga malalaking shops na ko pumupunta pag. kasi kadalasan sa mga maliliit na shops kadalsan hindi automatic ung gamit nilang pang tanggal ng tire. so gasgas abot ng mags mo.