kaninang umaga habang papunta ako sa smart tower, nung pagliko ko sa may rcbc plaza kasi galing akong buendia. e naka stop kasi naka red ung stoplight. bigla ba naman umaatras ung altis. busina ako ng busina hindi pa rin nag b-brake. siguro binitawan ung brake. tapos bigla na lang kumiss don sa plate number ko ung rear bumper niya. nung titingnan ko ung damage biglang nag go at umandar na ung altis. hindi ko na sinundan kasi wala naman damage ung auto. hehehe. pero ung sa kanya may kita akong gasgas. hahaha. kitang-kita ko nung palayo na siya. haha.
ang kinasasama lang ng loob ko e wala man lang siyang gana na mag-sorry. ramdam naman niya un na dumikit ung rear bumper niya don sa plate number kasi rinig ung tunog. buti na lang matagal ng basag ung plate cover nung sa harap, kundi siguradong basag un.


Reply With Quote
