i don't want to blame anyone, pero kapag nagkarambulan sa ganitong pangyayari, lahat ay may sala hindi lang yung nag-overtake. dapat yung 3 parties palagi ay magbibigay ng courtesy, ganun ang highway driver. magkaiba ang highway driving kesa sa city driving na walang bigayan tandaan niyo tsikoteers.
1. kasalubong (jeep)
2. the one being overtaken (car)
3. the one who performs overtaking (bus)
wala tayo sa pangyayari, pero assume ko hindi naman mag-oovertake siguro yung bus kung malapit na talaga yung kasalubong. dapat kabisado rin ng driver kung kaya nga ba niyang um-overtake in the shortest period of time na hindi siya pagbibigyan ng mga nasa harap niya.
ngayon, habang umo-overtake ang bus, yung oovertake-an (sentra) dapat paunahin na niya yung nag-oovertake. ang mga iba kasi lalo pang binibilisan kaya nadidisgrasya yun bang tipong ayaw magpauna.

hindi ka naman oovertake-an kung mabilis ka, at kung tingin mo mabilis ka na at may gusto pa rin mauna sa iyo, paunahin mo lang kapag nasa kabilang lane na siya (just release the pedal no need to apply brakes).
yung kasalubong (jeep), dapat magbigay rin ng courtesy, hindi porke nasa right of way, lalo kang haharurot. just release the accelerator pedal too just to slow down a bit, kailangan bigyan ng pagkakataon yung umo-overtake palagi dahil kapag nagrambulan kayo wala nang right of way pagdating sa kamatayan. kapag medyo malapit ka na, tsaka ka mag-apply ng brakes at medyo gumilid sa hanggang saan mo makakaya. kahit naman ikaw gusto mong mapagbigyan hindi ba kapag ikaw ang umo-overtake.