New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 20 of 25

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,077
    #1
    Nagkalasug-lasog ang katawan ng 26-anyos na lalaki hanggang masawi, samantala wasak din ang minamaneho nitong kotse matapos na sumuot sa isang umaatras na trak sa Quezon City kahapon.

    Napuruhan sa ulo at iba pang bahagi ng katawan kaya agad na binawian ng buhay ang biktima na nakilalang si Daniel Nubla Jr. y Zoleta, residente ng 978 Don Quijote St., Sampaloc, Maynila.

    Kusa namang sumuko sa mga awtoridad ang truck driver na si John Demacsa y Rendon, 52, tubong Iloilo at naninirahan sa 30 Kaunlaran St., Kaingin Bukid, Quezon City.

    Batay sa imbestigasyon ni PO1 Rodolfo Zulueta ng CDTEO-Traffic Sector 1, bandang alas-3:45 kahapon ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa 1305 G. Araneta Avenue, Quezon City.

    Umaatras umano papasok sa garahe ang Fuso tractor truck na may plakang TEM-540 na minamaneho ni Demacsa habang ang biktima naman ay nagmamaneho ng kotseng Toyota Corolla na may plakang PTU-198, galing ng A. Bonifacio Road patungong Quezon Avenue.

    Pagsapit sa pinangyarihan ng insidente, sumalpok umano ang unahang bahagi ng kotse sa kaliwang bahagi ng trailer truck. Sa lakas ng impact, pumailalim ang kotse sa trailer truck na nagresulta sa pagkakaipit ng biktima hanggang lagutan ito ng hininga.

  2. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    1,306
    #2
    sino daw may kasalanan?

  3. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,077
    #3
    IMO ..fault ng corolla kasi dapat nakita na niya paatras ang truck ...mabilis kaya d niya napuna na may paatras na truck lalo na madaling araw pa nag yari 3:45 am ..baka nakainom or inaantok ang car driver

  4. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    2,848
    #4
    aray naman...
    may he R.I.P....

  5. Join Date
    Jul 2005
    Posts
    151
    #5
    Quote Originally Posted by ts1n1ta
    aray naman...
    may he R.I.P....
    sayang noh! wala k n masipsip n dugo dun,,,,vampire

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,144
    #6
    hindi naka-seatbelt... ang titigas kasi ng mga ulo

  7. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    462
    #7
    Pag ganyang mga alanganing oras nangyari, bihira kasi ang sasakyan kaya malamang napakabilis takbo nung Corolla. Sumalangit nawa. Kaya ingat mga peeps kung me byahe kayo ng ganitong mga oras. Maraming lasing o inaantok na driver kayong makakasabay.

  8. Join Date
    Jun 2004
    Posts
    135
    #8
    kita ko yan sa news, kasalanan ng corolla at nakainon galing siguro sa gimikan, kita ko corolla lowered at may porma, malamang overtake sya sa kanan kasi paatras ang truck sa garahe, ang iba kasi pagnakainom mas ma-angas sa manubela, pasikat baga,

  9. Join Date
    May 2004
    Posts
    1,175
    #9
    drink & drive...negative outcome...not good!
    may he rest in peace.

  10. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    2,848
    #10
    amp. hahahaha :lol:



    ayan do not drink and drive talaga.
    hayyy

  11. #11
    kita ko yung accident last sunday morning, may ambulance na at tow truck nung naabutan namin, walang kwenta yung seatbelt sa situation nila kasi yung windshield ang unang tatamaan at di bumper, similar to to the macapagal accident. malamang lasing yung driver, damn rice boys...

  12. Join Date
    Mar 2003
    Posts
    499
    #12
    may tail light ba yung truck?

  13. #13
    sa side ng truck tumama yung kotse, sa ilalim ng trailer lumusot to be exact so that means nakalabas na yung truck at dapat nakita na ng kotse yun. di naman madilim yung area na yun so dapat nakita na ng driver ng sasakyan unless mabilis takbo niya.

  14. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    7,205
    #14
    walang kasalanan yung truck driver...

    r.i.p. to the corolla driver.

  15. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    5,847
    #15
    oo nga walang kasalanan ang truck driver
    r.i.p sa corolla driver.

  16. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    1,640
    #16
    pero malamang kakasuhan ng relatives ng corolla yung driver ng homicide, kulong din siya...RIP..

  17. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,310
    #17
    ano kya mangyayari pag kinasuhan un? kung lumitaw nman sa investigation na kasalanan tlaga ng corolla, wala sila magagawa

  18. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    158
    #18
    malas nung kotse at truck yung umaatras at nakaharang sa kalye.. akala nya kase porke kotse sya e astig sya!

    kame kase nag bi bisikleta kame ng madaling araw, mga siklista kame.. e paano kung kame yung nahagip nitong damuhong driver na to kahit nasa gilid kame.. madami nang siklista ang nadi disgrasya ng mga gagong driver..

    ok yan! nakahanap sya ng mas malaki sa kanya!

    nice work to the truck driver.. sana dumami pa ang truck na nag pa park sa kalsada pag madaling araw..

    ...

    Ang masasabi ko lang.. sayang yung kotse!

  19. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    14,822
    #19
    Quote Originally Posted by mike01 View Post
    malas nung kotse at truck yung umaatras at nakaharang sa kalye.. akala nya kase porke kotse sya e astig sya!

    kame kase nag bi bisikleta kame ng madaling araw, mga siklista kame.. e paano kung kame yung nahagip nitong damuhong driver na to kahit nasa gilid kame.. madami nang siklista ang nadi disgrasya ng mga gagong driver..

    ok yan! nakahanap sya ng mas malaki sa kanya!

    nice work to the truck driver.. sana dumami pa ang truck na nag pa park sa kalsada pag madaling araw..

    ...

    Ang masasabi ko lang.. sayang yung kotse!
    First, you are reviving a two year old thread that is not relevant anymore.

    Next, you imply that it was a good thing that it happened just because he was driving a car and you don't?

    Finally, someone died and all you can say is "sayang yung kotse"?

    Closing this thread. A warning to you mike01 for your insensitive remarks on this thread.

    Last edited by mazdamazda; May 15th, 2007 at 02:35 PM. Reason: grammar

  20. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,761
    #20
    kung yumuko na lang ung car driver..or nagrecline ng seat,
    he might still be alive today.

    rest in peace.
    i hope the truck driver survives the trauma of the car driver's death.

Page 1 of 2 12 LastLast
Kotse sumuot sa ilalim ng truck, 1 patay