good day tsikoteers!

share ko lang experience ko kagabi, i was driving along e.rodriguez ave. going to the direction of araneta ave. coming from t. morato, that was 11:30PM with me is my 2year old son & my wife. i was passing by celebrity sports plaza, nang nakita ko yung babae na naka-dapa sa gitna ng kalye, sa harap nya ay lancer na naka-hazard na parang binabantayan nya yung babae para hindi magulungan ng ibang sasakyan na dumadaan. i immediately go to a nearby barangay outpost (since kabisado ko yung lugar) sa tabi ng KFC same area din. then i went back dun sa lugar ng aksidente. no one doesnt care dun sa babae since wla kse lumalapit, tapos pumarada ako sa tabi at nilapitan ko yung naka-dapa na babae, bumaba din yung nasa lancer sabi nya binantayan lang daw nya kase baka magulungan daw ng ibang car. good thing, i have my wireless landline. tinawagan ko agad MMDA 136 at nireport ko yung incident.

chineck namin nung lancer owner kung may pulse pa, bad news. patay na. tapos may lumapit na tambay, sabi nya nakita daw nya yung naka-bangga, CRV daw na pula. kawawa yung babae, hindi sya mukhang pulubi dahil malinis sya, medyo chubby at between 25 to 30 lang siguro yung age nya. so, while waiting for the MMDA & barangay to arrive nag-trapik muna kami nung lancer owner. tapos may dumaan na mobile ng pulis. pinara ko, sabi ko hit & run boss, patay na po. sabi ba naman nung pulis, may padating daw na isa pang mobile unit kase may dala daw silang huli which is obvious nman dahil may naka-posas sa likod ng mobile nila. (ganun ba ang SOP ng pulis?) tapos may dumaan na taxi, hindi ko narecall yung name ng taxi, pero may inabot na papel sa kin. sabi nung driver, hinabol daw nya yung naka-bangga dahil kasunod lang daw sya. KIA SPORTAGE daw na pula at yung plate number is WLH 545. hindi na daw nya hinarang dahil baka daw may baril kaya kinuha na lang nya plate number.

after approximately 3-5 minutes, dumating na MMDA rescue, confirmed by the medic on board, patay na nga. tapos kinunan kami ng statement, nung barangay. the after nagpasalamt sa min nung lancer owner. mabuti naman daw at binantayan namin yung babae hanggang sa dumating sila.

to the KIA SPORTAGE owner plate number WLH 545. maawa ka sa biktima mo... hindi mo ba naisip na baka may pamilya or anak yun??? hindi ka ba natatakot sa karma???