Magingat sa scammer na ito! nagpalakad ako ng special plate dito dahil busy ako, ngayon hindi ko na mabawi ang pera ako at nagamit na sa pang personal na kapakanan! Halos 30k ang natangay sa akin nito!

ito ang url ng ad niya
http://www.sulit. com.ph/index.php/view+classifieds/id/5414361/LTO+REGISTRATION+ASSISTANCE
(paki dikit nalang yung .com)

Aug 30 ko pa naibigay sa kanya yung pera ko, ang pangako niya by 2 months lalabas na plates ko, nagtiwala ako dahil okay naman feedbacks sa kanya, yun pala mga small time transaction lang pala yun, nabulag ata sa laking pera ng nakuha sa akin.

Oct 22 tumawag ako sa LTO at sabing hindi pa nababayaran yung plates ko, doon ko nalaman na order of payment lang pala ang naipakita sa akin.
Nung tinawagan ko, inamin niyang nagastos ang pera ko dahil nanganak yung asawa niya! lintik na yan..

ngayon hindi na alam saan kukunin ang pambayad sa akin! ang lakas pa ng loob dahil tuloy pa rin nagttransact!

pina blotter ko na tong taong to! ingat nalang.

wag niyo na sabihing tanga ako dahil nagtiwala ako sa ganitong klaseng transaction, alam ko na po yun. bahala na si God sa kanya.