around 2pm nagpark ako sa school ng anak ko kasi hintay ko pa 3pm na labasan..then may mga highschool na naghahabulan then suddenly binato nya classmate nya e naka ilag..tinamaan nya yung front-passenger door ko.
nagasgasan ng 2 scratches na sagad sa metal kasi matalas yung bato..
then tinawag ko yung bata at sabi ko need nya ipaalam sa parents nya na may babayaran sila. tumawag ako sa SA ko and 3.5k daw per panel.
tinawag ko uli yung bata and kinuha ko ID nya kasi baka bigla mawala and diko na makita...kinuha #'s ng parents nya sa ID nya kaso di makontak.
then dumating tatay nya kasi kuhaan din ng card yung araw na yun. sabi ko need nila bayaran ito para maipasok sa casa for repaint..e mukang wala pera at matapang, demandahan nalang daw at di daw sya magbabayad. dinala namin ng wife ko sa guidance office yung parent
natapos ang usapan sa guidance office na half nalang babayaran nya after namin mapa-paint. pero diko na pinagawa and diko narin sila siningil or kinausap....the yesterday feb26 ay may dumating na subpoena sakin na ang kaso ko ay RA7610(child abuse) daw.
kinausap ko na si atty Hen kasi pasay din lang pala sya...counter demand din kami at pababayaran ko sa kanya buong 3.5k na quote sakin ng toyota.
bro, baka naman ginulpi mo yung anak.
seriously, ang tapang nga nung tatay. mantakin mo, mas gagastos pa sya ng malaki kung magdedemanda pa sya.
questions:
a. documented ba yung incident where the student admitted it was his fault?
b. i am assuming that you are insured. pasok mo na lang sa insurance and pabayaran mo na lang yung participation sa kanila. IF the answer to item a is yes. kasi pwede naman nilang i-deny yan.
karlo...ako iharap mo,sasapakin ko sa harap mo yun tatay...basta ba sagot mo ako sa asunto.
kung ano yun bunga ay ganun din ang puno...kung jologs ang tatay jologs din ang anak.
bro, hayaan mo nalang yun bro, kasi makakarma din yun,malay mo yung anak di makagraduate o di kaya maghirap sila ng todo.may kalalagyan din mga yan.basta have faith in God di ka papabayaan sa anumang oras. believe me makakarma din yan.:chop:
Angas ng tatay n’yan ah! kunsintidor na balasubas pa! :kokak: tama paglaki ng anak n’ya di lang yan makikipag batuhan baka barilan pa….seriously, mahalaga dyan eh witness presentation since umabot na sa husgado, ang talo mo na lang baka nagpakita ka rin ng some sort of assault sa bata teka saan bang skul yan?
diko nga mamura kasi nag sorry naman yung bata at akala ko mukang basang tupa.kasama ko esmi ko kaya diko nakapagmura ng deretso at nasa harap ako ng simbahan.
ask ko yung guidance if may record sila.or hingi ako ng statement sa kanila.
di sya documented kasi verbal agreement lang kaharap mga guidance councilor.
nakakuha nako ng atty..counter demand ko + moral damages..
public atty lang gamit nila...wala din kasi pera.
*pitbull...wag na...wala na nga ko trabaho...mabawasan na nga allowance ko sa mother ko. PAL lang po kasi ako.
insured ako kaso ang participation ay baka lagpas pa ng 3.5k kaya dina nga pinapintura at nilagyan ko nalang ng touch-up paint.