Na-u-update naman ako ng SA kasi sinisilip silip ko din yung car pag may oras ako, so nakikita ko developments.
Nagkaproblem lang talaga dahil nung una wala silang makuhang rear quarter panel dahil 3 different kinds pala ang qp ng mga jazz. So nung nagkaron na ng quarter panel, which is about 1 month after pinasok ko--dun pa lang nila nasimulan.
Usually talaga, alam ko pinupukpok lang ang rear quarter panel pero at least yung sa ken pinalitan talaga nila and nakita ko when they cut the part at nakita ko din yung ipinalit nilang panel--bago talaga.
Sabi sa ken, pag nagpapalit daw ng panel, madami daw processes like rustproofing, welding mga ganon kaya natagalan.
Ayoko naman madaliin kasi baka babuyin yung gawa pero nitong huli, sinilip ko at buong buo na yung jazz ko, fully painted na din. Paint buffing and finishing na lang ang kulang saka quality check para marelease.
I texted my SA today na paki-sure nya na maprocesss mabuti at marelease na yung jazz this weekend at kung gusto nya, magsubmit na lang kami ng letter for their GM para mapabilis. Sabi ko text nya ko pag gusto nya ng letter at ihahatid ko don. Ayoko kasi magsubmit basta basta kasi baka din mapagalitan yung SA namin eh nagtatry din naman sha--at least alam nya na andun na ko sa point na gusto ko na magsubmit ng demand letter talaga.
Pinagdadasal ko na makita ko na yung auto ko this weekend, binili ko nga yon para tipid sa gas dahil biyahe ko Alabang-QC lagi tapos ganito pa nangyari dahil sa pesteng driver na tinulugan ang slex.
Mabuti inamin nya sa policereport na nakatulog sha. Tapos next day tumawag, pinapabago ang police report--eh kaso nasubmit ko na sa Insurance kaya di ko na pede bawiin. Ano sha-- HILO? Di ko papabago yon no, manigas sha.
Sa totoo lang, napakaswerte nya at sa amin sha bumangga, kung nagkataon truck ang kaharap nya---baka namatay na sha non di ba?
