New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 13
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,068
    #1
    repost ko lang taken from honda club forum experience ni disturbed777

    http://z3.invisionfree.com/HCP/index...howtopic=64868

    share ko lang experience ko kagabi (oct 4, 2008)

    i was driving along marcos alvares (sa may moonwalk) heading towards cavite at around 10pm ng may biglang nag cut sakin wave100 na motor, may backride at parehas sila naka helmet at jacket... tapos pag dating ko don sa may dulo napansin ko na yung motor na yon nakaabang tapos bago ako lumagpas sa kanya umandar siya at humarang sa harap ko... tapos napakabagal niya, parang pinalayo niya yung mga kotse na nasa harapan ko... e nagkataon wala rin sasakyan sa likod ko nung time na yon... sira busina ko kaya hindi ko siya mabusinahan so mabagal din takbo ko... tapos bigla siya pumepreno sa harapan ko, kala ko baka kilala ko lang at nangttrip o kaya mga lasing na walang magawang matino... so dapat oovertake ako sa left niya kasi naka signal siya ng right pero pag oovertake ako hinaharangan niya ko... talagang ayaw ako palampasin at parang pinagtitripan talaga ako... so relax lang ako nung una pero napansin ko yung backride niya kinakapa likod niya, parang may kukunin pero nakaharang jacket niya... so pumasok na sa isip ko na mukhang hold-up kaya binaba ko na gear ko para high rpm yung engine tapos sarado ng bintana... ayun maya maya biglang huminto yung motor nung malapit na sa pa-kanan na street tapos yung back ride niya bumunot na ng baril tapos lilingon na sakin kaya nung nakita ko palang yon baon ako sa gas at pinagkasya ko yung auto sa iniwan nilang space sa kanan sabay yumuko onti para in case na putukan ako may chance na hindi tumama... kala siguro niya hihinto ako or hindi ako bibirit kasi paliko yung kalye... swerte lang talaga nung lumiko ako walang tumawid or kasalubong na sasakyan...

    derecho ako police station non kaso hindi rin na-blatter kasi sabi ng police hindi ko naman nakuha yung plate number... tapos bumalik ako sa may burger machine na malapit sa place kung san ako muntikan ma-holdup at pinagtanong ko kung napansin nila... nakita naman daw nila pati yung hinaharangan ako nung motor tapos nung bumirit na ko pero hindi rin daw nila napansin plate num... ang nasabi lang nila kung san pumunta yung motor... kaso hindi ko parin na-blatter kasi wala parin plate num kaya ang sabi nalang sakin nung police tawagan ko nalang daw sila pag nakita ko daw ulit.... tapos kung balak ulit ako i-holdup sagasaan ko na daw...


    kaya if ever may mangyari sa inyo na parang ganito kunin niyo na kagad plate number...

  2. Join Date
    Oct 2003
    Posts
    763
    #2
    sagasaan nalang! madali na makuha plate number pag lipad ng mga rider.

  3. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    3,601
    #3
    Konting tapik lang ng bumper mo sa rear wheel nung bike, tumba yon. Buti na lang di nabunot kaagad yung baril, kunti walang ganitong post dito. Ingat na lang kayo.

  4. Join Date
    Oct 2008
    Posts
    39
    #4
    ganyan po ba ang talaga S.O.P sa pag-blotter? dapat po ba alam mo ang license plate? eh pano kung walang license plate yung motor kasi most of criminals inaalis yung yung license plate kya nga mahigpit sa NO PLATE NO TRAVEL dahil most of them have no plates or they are using fake license plate.. ibig sabihin hindi na nila ibablotter pagwalang license plate? hindi parang incident report yung nasa blotter so pwede nila ilagay sa blotter na unidentified yung vehicle/motorcycle....so lalabas parin sa blotter nila na may attempted crime na nangyari... kaya no wonder minsan sinasabi nila na bumababa ang crime rate dahil walang ngang blotter na nagyari!.. hindi po ba na dapat ang ginawa nila is nilagay sa blotter yung incident and then nag-conduct ng possible road block / checkpoint around the area nun incident?...tsk tsk...aantayin pa ba nila na sagasaan ng citizen yung hold upper bago sila gumawa ng action?.. dapat basta may report kilos pronto sila!...

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,388
    #5
    WTF! buti hindi nadali si disturbed. anong auto kaya dala niya. I met this guy nung nag EB kami ng mga EKHB dati. Hindi naman sguo yung hatch ang target if carnap since hindi naman mainit ang hatch.... sana lang.... kill na talaga dapat mga ganon.

  6. Join Date
    May 2006
    Posts
    1,668
    #6
    Pwede ba yun na sagasaan mo na lng? Kakasuhan ka ng attempted homocide di ba, kahit na mali yun nabangga mo?

  7. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,162
    #7
    Kung sa may Moonwalk iyan,- malamang marami pang tao sa kalye ng 10PM... Maraming subdivision doon, kasama na ang Metrocor.... Ang tapang talaga ng mga iyan.... Dapat talaga,- may mag-sampol-sampol sa mga ganyan....

    6808:frenchyf1:

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #8
    pagkaganyan, take offensive steps. bangain o pitikin na lang. yung marcos alvarez, madaming sira ulo dyan lalo na sa gabi.

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,068
    #9
    Quote Originally Posted by istan View Post
    Pwede ba yun na sagasaan mo na lng? Kakasuhan ka ng attempted homocide di ba, kahit na mali yun nabangga mo?
    I'd rather be sued than dead...

    naglabas na daw ng baril, tatanunngin mo pa ba kung pwede banggain?

  10. Join Date
    May 2006
    Posts
    1,668
    #10
    I'd rather be sued too.

Page 1 of 2 12 LastLast
attempted carjack/holdup sa LP..