Hi mga sir,
Di ko alam kung saan ko ippost ito pero gusto ko lang ireport ang nakita ko kanina.
Habang pauwi ako sa may EDSA Balintawak area yung pa northbound na malapit na papasok ng NLEX, yung aso tumalon sa likod ng pickup. yung pickup di ko sure kung ano klase pero kung tama pagkakaalala ko, toyota pickup sya na luma with plate UGY 487, na color nya is dark na shade, parang dark green o dark gray. Muntik na syang masagasaan nung isang sasakyan pero sa huling pagkakita ko nakastop yung kasunod nya kotse kaya safe yung aso. Di ko lang sure kung ngayon ok pa yung aso. Binalak ko na habulin at sabihan yung may ari kaso di ko na nahabol. Yung aso pala parang may breed at parang malaking aso sya na parang german shepherd.
Sana lang safe sya. Medyo may soft spot pa naman ako sa mga dogs dahil mahilig kami sa pets sa bahay.
Wish ko lang makasurvive yung aso at mabalikan sya ng owner nya. Kung kilala nyo po yung may ari pakisabihan na lang po. Thanks po.





Reply With Quote

