paminsan kapag binigyan mo ng konti ang sama ng tingin syo or sasabihin pa sayo na kulang and dagdagan pa....bad trip naman. e ndi naman sila may ari ng parking and ndi pinapabantay, kapal pa ng mukha...grrr
paminsan kapag binigyan mo ng konti ang sama ng tingin syo or sasabihin pa sayo na kulang and dagdagan pa....bad trip naman. e ndi naman sila may ari ng parking and ndi pinapabantay, kapal pa ng mukha...grrr
oo nga kaso pre pag nagpark ka uli baka gasgasan ang car mo. maghanda ka nalang ng coins at least nagbibigay ka kahit 3 pesos to 5 pesos ready ka. lalo na kung madalas kang nagpapark don baka tirahin ka ng tansan. mahal ang paint ngaun abala pa.
There are times na fixed yung sinisingil nila, for example, ten pesos... Nakaexperience ako before na parang baliw yata yun... dun sa may taft avenue, in front of torre lorenzo. nagpark lang kami sandali tapos nung aalis na kami eh wala kaming coins puro buo money namin... bigla ba namang nagsisisigaw dun sa kalsada na parang talagang nababaliw na... tapos siyempre natakot ako kasi ang sama pa ng tingin. umalis na lang kami agad.![]()
kapag nakatulong sila sayo, halimbawa umaatras ka o pumapasok sa isang busy street tapos ginuide ka nya...deserving talaga silang bigyan ng tip....di ko lang maintindihan minsan nakapark lang ako sa kalye..di naman nila ako ginuide, pag aalis na ako..di naman ako magmamaniobra kasi walang sasakyan sa harap at likod ko tsaka clear naman ang traffic..aba gusto me bayad pa rin??
me nabasa ako dati sa C! na much worse pa ang sinisingil sa makati...something like 40-50...dunno, don't have much of a social life...
sa malate dati P50 (may hati ang pulis) buti na lang centralize na ngayon yung may resibo at may ID naniningil at mga presentable tingnan at nakangiti at importante P20 lang! (natatakasan pa minsan) Tnx to Mr. Atienza! Ang hirap talaga ng may kotse hirap na ng gas mainteneace hindi pa makalibre ng parking!
ang nakakabwiset dyan yung mga bata na parking boys..imbes na makaatras ka ng maayos sila pa yung nakharang sa likod ng kotse tapos kaway kaway pa sigaw tapos sumisigaw "sige atras atras pa"
anak ng teteng pano ka makakaatras nun eh ogags pala yun nakaharang sya.
dyan din ako bad trip :mad: ginagawa ko... ni-re-rev ko makina ko ng malakas para malaman nila na asar ako... o kaya, pinipinahan ko..yung biglang atras sabay preno... umaalis din naman.
pero pag mga mama na... tinatakasan ko na lang, maliban na lang kung talgang nakatulong...bigyan ko 5-10 petot...ayos na yun. minsan pag ala barya 2 petot sabay takbo![]()
Depende...
1. Kapag may edad na tapos maayos ang suot/bantay talaga, 10.00.
2. Kapag may edad na pero hindi gaanong matulungin, 5.00.
3. Kapag bata na maayos ang suot/bantay talaga, 5.00.
4. Kapag bata na gusgusin/parang nadaan lang, tinapay.
ako gngwa ko dun sa nglalagay ng sabon sa salamin, binibilisan ko ung wiper ko para hnd nila mapunasan.,pero minsan meron talagang makulit eh, dun nglalagay sa hnd dinadaanan ng wiper eh lumalabas lang naman kasi ung mga sabon pagnaulan eh.,
usually, nagbibigay ako ng 5-10 pesos. Ok naman yung mga nagbabantay esp sa tapat ng mcdo sa MCS, kakilala ko na halos. Ang bad trip eh ung sa tapat ng yellow cab/pizza hut, P40 pesos, pero magkatabi lang kayo ng park![]()
ang masama pa minsan ay kun dalawa ang nagbabantay...kun isa lang yung binigyan mo , ang sama ng tingin ng kasamahan nya na ndi mo binigyan...
sa decades sa roces.. ang kakapal.. binigyan ko ng 20 pesos.. nag reklamo... 40 daw dun.. hahaha
nakakaasar yang mga yan..
mas gusto ko na walang guide kaysa may nakaharang sa likod ko.
e pano kung matandaan nila auto mo? den pag tripan pag balik? malas lang dba?
sa mga street beggars hindi ako nagbibigay..
pero sa mga parking area na walang security guard at mukhang nagbantay naman ayina-abutan ko na lang ng limang piso.. kung minsan eh 10php depende sa location..
basta hindi na-carnap at walang gasgas at nandun pa rin side mirror eh masayang masaya na ako hehe![]()
oo sa me aristocrat/maxs/shakeys sa malate ba yun, 20 pesos..ok lang basta andun pa car pag katapos kumain..hehehe
Ako madalas nagbibigay 3-5 pesos pero hindi bukal sa kalooban ko. No choice ako kasi baka pagbalik ko gasgasan kotse ko. Kakaasar talaga yung mga ganito pakaway kaway lang nman ang mga ogags. "sige, sige atras" KAHIT HINDI PWEDENG UMATRAS DAHIL MAY MGA KOTSE PA! In short, wala nman talagang naitutulong, nakakaabala pa nga e.
Pero may iba nman talagang igaguide ka.