dapat ilalagay ko lang sa Don't you just love those people who park stupidly? na thread natin, pero dahil sa katangahan nang isang ito (walang kwenta ang reasoning at pagiging maangas dahil malaking tao lang), ginawan ko nang sarili niyang thread dito sa goon squad.
kahapon, habang umuulan nang napakalakas sa simbahan, hindi kami nakaparada sa loob nang parking nang simbahan kahit napakaluwag pa dahil sa isang sasakyan na nakaharang sa mismong entrance nang parking, itong white pajero fieldmaster na ang plate number ay WSX227. ang nangyari, yung mga sumunod na sasakyan sa kanya pumarada sa mismong entrance na nang parking pati ako. tiningnan ko yung parking nang simbahan, aloha napakaluwag pa sa loob. pumarada ang mokong dahil malapit iyon sa entrance nang simbahan siguro para hindi na siya mabasa mamaya paglabas.
so pagkatapos nang simbahan, nakita ko yung driver, kinausap ko in a well mannered/respectful way na "Sir, next time po sana pakiayos po yung parada dahil marami po kaming naabala". Tapos biglang bumanat sa akin kaagad in a high tone voice (galit kaagad ang mokong!). ito ang pinagsasabi sa akin in order (ako hindi nalang umimik dahil nasa simbahan nga kami); take note, sunod sunod niya itong isinumbat nang mataas ang tono sa akin kaya hindi na ako umimik.
1. "pare ako ang nauna dito, sila ang sisihin mo!!" (obviously siya ang nauna kaya nga nakaharang ang g*g0, tsaka ang sisihin ko daw yung maayos ang parada!)
2. "pare napakatagal ko nang nagmamaneho para pagsabihan mo!!" (hindi sa tagal nang pagmamaneho obviously ang paguugali at inconsideration na ginawa niya sa kapwa parokyano niya)
3. "pare nakakainit ka nang ulo, sino ka ba para sumbatan ako!?" (that is why pinapaalahanan ko lang siya pero wala, 1 way kausap kaya hindi na ako sumabat pa, siguradong away ang aabutin ko pa, malaki lang kasi kaya kayang-kaya niya ako isa pa bata pa ako. that is why mabuti pang kuhanan nang picture ang mga hindi marunong pumarada and don't blur their plates dahil malamang ganito ang ugali nang mga katulad nun sa thread na Don't you just love those people who park stupidly?)
nakita ko yung mga kasama niya, pulos mga adult na malalakas pa ang katawan samantalang yung mga naabala niya..
yung isang may kotse na inabala rin ay kapitbahay namin, dalawa sa sakay noon ay 80+ years old, sa kanila ako naawa talaga, isipin niyo nabasa nang todo yung dalawang lola. (ang lakas nang ulan kahapon..)
kami naman, parents ko ay both 60+ years old na, lahat kami basang-basa kahit nakapayong.
--------------------------------------
dahil lang sa inconsiderate na tao na gustong malapit lang siya sa entrance/exit nang mismong simbahan, kahit makaabala na siya sa parking nang iba. ang dapat sa iyo makarma! hindi niya tinanggap ang pagkakamali niya, makakahanap din ito nang katapad.![]()


)
Reply With Quote


.
