Curious lang. Ano po ba ginagawa ng baril na may strobe lights na ginagamit for engine tune-up?
Thanks.![]()
Curious lang. Ano po ba ginagawa ng baril na may strobe lights na ginagamit for engine tune-up?
Thanks.![]()
pang adjust ng distributor timing, para alam kung ilang degrees ang retard o advance ng timing/firing ng ignition
Originally posted by 66bunny
Or your question maybe how you use a timing light?
...oonga, how do you use those timing guns? ginagawa lang kasi ng mekaniko itatapat yung ilaw sa umiikot na belt tapos maya maya, "bos, ok na timing niya". huh? ano ginawa mo? ano nakita mo dun bukod sa tatak nung belt?
Tinatapat yung light sa crank pulley. May timing marks dun na makikita when no.1 cylinder fires. Iba ang timing light for diesel engines dahil injection pulse ang dini-detect unlike sa gas engine na electric pulse ang dini-detect ng magnetic pick-up sa hi-tension wire
pansin ko naman may alligator clip na kinakabit sa isa sa mga hi-tension wires, itatapat nya yung timing light sa crank pulley, tapos konting retard at advance hanggang sa makuha ang top dead center.
Yes timing light nga tawag don...once palang ako naka gamit nyan when I attended basic course sa Meralco... kala ko nga trouble light lang yon hehehehe...
Sir at sa mga sir pang iba, saan po ba nabibili yung timing lights or timing gun?
Gustong-gusto ko pong bumili ng timing light or gun pati yung clip na ikinakabit sa high tension wire 1st cylinder.
Sa makapagtuturo po ay kung saan nabibili yun ay pinasasalamatan ko po ng marami...
timing gun/light yata tawag dun. yan ang kalimitang ginagamit sa mga gas station service bays pag tune-up. pero hindi yan umuubra sa Maxima ko . . . ang gusto e pakiramdaman sa tunog ng makina pag tinatayming. he he he. nasanay yata sa antique kong mekaniko. Mang Boy, kumusta na?
tama.. pakiramdaman lang ang timing sa maxima!..slightly advance ang timing ng ca20S engine ng maxima ko..
and pinalitan ko ng "contact-point" type distributor ung nasira electronic distributor.. mas madali at mamurang i-repair.
mahal at rare na lang ang assy ng contact-point distributor...nakaswerte lang ako..
Last edited by alwayz_yummy; August 16th, 2009 at 10:05 AM.
orig pa rin yung distributor ko bro. just in case, saan ka nakabili ng contact point type distributor mo?
dying breed na kasi ang Maxima natin . . . wala naman akong balak i-dispose kasi may iba pa namang pwedeng gamitin. tulungan tayo pagdating sa location ng spareparts ha. he he he
TIA
http://en.wikipedia.org/wiki/Timing_mark
Sample timing marks:
![]()
Last edited by oj88; September 10th, 2009 at 10:19 AM.