New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 20 of 54
  1. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    9
    #1
    magandang umaga mga iho, iha.e patulong naman sana sa inyo.ako'y galing middle east at may kaunting ipon. e,balak ko ibili ng van para ipasada na lang upang di na ako muli bumalik doon.e wala ako alam sa pagbibili. kukuha lang sana ako ng h100 o grace sa financing para may matira pa sa perang naiuwi ko. e ano bang mga papeles ibibigay sa akin sa financing pag nagbayad na ako ng paunang bayad? pano ko kaya masisiguro na hindi ako maloko at mapunta sa wala ang perang pinaghirapan ko? Pauna ko na ang Maraming salamat sa inyong lahat mga iho/iha....

  2. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    884
    #2
    Quote Originally Posted by tatang View Post
    magandang umaga mga iho, iha.e patulong naman sana sa inyo.ako'y galing middle east at may kaunting ipon. e,balak ko ibili ng van para ipasada na lang upang di na ako muli bumalik doon.e wala ako alam sa pagbibili. kukuha lang sana ako ng h100 o grace sa financing para may matira pa sa perang naiuwi ko. e ano bang mga papeles ibibigay sa akin sa financing pag nagbayad na ako ng paunang bayad? pano ko kaya masisiguro na hindi ako maloko at mapunta sa wala ang perang pinaghirapan ko? Pauna ko na ang Maraming salamat sa inyong lahat mga iho/iha....
    magandang gabi po... mabuti naman at nakauwi ka ng ligtas ta may naipon ka sa pag trabaho mo sa middle east... eto lang po maipapayo ko: whag na whag po kayo kumuha ng h100 o grace, malamang mga ganyan na sasakyan ay surplus... oo nga nakamura ka nga sa ganoon na sasakyan ngunit mapapamura ka naman sa sakit ng ulo na maidudulot mo sa ganoon klaseng sasakyan at baka hindi ka pa bigyan ng frankisa ng LTFRB... mas mabuti pa kung kumuha ka ng brand new na sasakyan tulad ng mitsu adventure, or isuzu crosswind iyun ang mga typical fx dito thru bank financing, sigurado tutulongan ka ng sales agent ng dealer na bibilhan mo (hayaan mo sila mag lakad ng papeles at trabaho nila iyun... hindi mo sila kailangan bigyan ng tip... may commisyon mga iyun...) at malamang hingan ka ng mga documento tulad ng valid ID's, bank certificate, income tax return, bank statements... tanong mo din sa ahente na bibilhan mo ng kotse kung kaya niya lakarin ang frankisa para magamit mo sa negosyo ang sasakyan na bibilhin mo... (kung oo kailangan kasama ka palagi sa pag lakad ng frankisa para sigurado... madami ahente na sabi kaya pero huhuthutan ka lang...)

  3. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    9
    #3
    chuaed iho, maraming salamat sa payo mo.pag-iisipan ko ng mabuti yan. e salamat muli ng marami....

  4. Join Date
    Dec 2002
    Posts
    1,542
    #4
    tama nga po....as much as possible avoid yang mga 2nd hand vans na yan. IMO, yung price nila is pwede ba pang-DP sa bagong modelo like Mitsu L300 versa van or FB, o kaya Nissan Urvan Shuttle or Escapade, o kaya naman Toyota Hi-Ace. At least, sigurado ka na wala kang sakit ng ulo for the next 3 years or even longer. And most of all, the warranty of a brand new vehicle is incomparable sa mga 2nd hand.

    Siguro you are thinking of a shuttle or garage service. Oks nga yan, pag walang sked na rental mga units namin, ganun din ginagawa namin. Consider applying for a franchise and some dues being a member ng chose association mo.

    Good luck po!

  5. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    4,313
    #5
    I suggest you consider other lines of business.

    With the rising costs of fuel and spare parts, transportation business is not advisable if you would have 1 unit operating only and considering that it would be under loan.

    Paano na kung nagkaaberya o naaksidente ang sasakyan? Where would you get the payment of your loan?

  6. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #6
    Gandang tanghali ho tatang. Saan po bang location nyo ipapasada? Kung dito ho sa probinsya pwedeng-pwede ho ang H100/Grace. May mga kaibigan akong merong ganyang ipinapasada din. Ang mahina lang yung aircon pero yung pang-ilalim matibay at yung makina matipid naman sa diesel at malakas. Hindi nga daw bumababa ng 90kph ang takbo nila kahit puno. Sa maintenance naman kapareho lang ng Mitsubishi kaya wala silang problema.

    About financing naman mas maganda hong kumuha ka na lang ng cash basis para wala ka ng iisipin na babayaran. Tingin ho kayo dito sa tsikot carfinder marami hong mura.

  7. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    9
    #7
    maraming salamat iho.malaking bagay ang mga sinasabi nyo dahil matatagal na kayong may hawak ng sasakyan. salamat!

  8. Join Date
    May 2006
    Posts
    4,342
    #8
    tatang, yung bagong sasakyan na suhestiyon nila ay mas maganda.medyo mahirap po ang 2nd hand siguradong bibigyan kayo ng sakit ng ulo.

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,819
    #9
    bakit ayaw ng iba dito sa grace/H100? ok naman mga yun a, basta pumili lang kayo ng unit na maganda. meron ako nakausap nuon sa baguio na ang business nya ay van for rent. binenta nya yung L300 nya at bumili ng grace. mas maganda daw dihamak ang grace kesa sa L300. parehas lang naman ang engine at suspension parts sa L300 kaya madami pyesa. at mas maganda ang injection pump ng hyundai grace/H100 kesa sa mitsu L300, hindi usukin.

    mga suggestion nyo na brand new unit ang kunin e mahihirapan si tatang na bawiin yung puhunan nya kung nagbabayad siya ng amortisation. saka mahirapan siya ma-approve sa banko kasi EX-ofw na siya. tama lang na imbes na mag-down siya sa new unit e gamitin nya yung pera para bumili ng second hand korean van. basta tatang ikaw ang magmamaneho para syempre todo ingat sa pasada. huwag mo ipalabas sa iba at sigurado ko dadayain ka lang.

    suggest ko din, imbes na kumuha pa kayo ng franchise sa ltfrb e for-hire nyo na lang. P3000/12 hours ang rent ng van ngayon, customer ang sagot sa diesel. kung kaya ng pera nyo na kumuha ng hyundai starex 11-seater mas maganda pa at mas mataas ang rent nun.

  10. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,077
    #10
    tatang ,
    magandang gabi po ,kung kaya nyo talaga po sana nag bago ay brand new nyo na ang hulugan nyo .kung kukuha kasi kayo ng 2nd hand ay baka ilan weeks or months lang dami nyo na sakit ng ulo para ipa repair .lalo na ipampasada pa ninyo at kung sakali nakakuha na kayo mag isip pa din kayo ng ibang pwede pag kakitaan (gaya ng sabi ni J_avonni).baka kasi mahirapan kayo sa magiging monthly amortization ninyo kung sa pamamasada nyo lang kukunin ang pambayad ninyo kada buwan ,lalo na kung nagka aberya at hindi kumikita ang sasakyan ninyo

    bakit po hindi ninyo gamitin sa ibang negosyo ang perang naipon niyo,
    aside sa pag papasada

    dami na din ako nabalitaan ,kumuha ng mga AUV tapos pinamasada at doon lang kinukuha ang pambayad monthly ..pasada maghapon at magdamag para mahabol ang mga bayarin(lalo na sa sasakyan ) at gastusin sa pamilya

    maaga madami nasira ,dahil sa sobrang gamit or pang aabuso.,
    lagi nasa talyer at hindi makabiyahe ..
    wla ngayon source of income
    ayon ilan buwan lang nabatak na ng bangko

  11. Join Date
    Feb 2006
    Posts
    31
    #11
    mawalang galang na nga po parang di kya ni tatang kumuha ng brndnew kc sa badget nya kahit na financing pa kuha na lang cguro kau ng mgndang unit kht 2nd hand para di sumakit ulo at bulsa di ba

  12. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,819
    #12
    try nyo tumingin sa http://www.buyandsellph.com madami dun mga vans na binebenta.

    dito try nyo din >>> http://www.1800-philippines-cars.com...:&make=Hyundai

    kung ako sa inyo second hand hyundai starex 11 seater na lang. kahit na kunin nyo ng hulugan mas ok kasi mas mataas naman ang hire rate nya.

    wag nyo kalimutan magsama ng mekaniko pag tingin nyo ng bibilihin nyo. kung pwede idala sa gas station at ipaangat nyo at ma-inspect ang ilalim mas magaling. tignan nyo ang makina at transmission sa ilalim, pag may langis sigurado may tagas na ang gaskets at oil seals. pag madumi ang makina at transmission wag nyo na bilihin at ibig sabihin nun e palpak ang maintenance nung nagbebenta sa inyo. at open nyo yung oil filler cap habang umaandar ang engine. pag tumatalsik ang langis at malakas ang buga ng hangin sa oil filler cap blow-by na makina nun. iwas din kayo sa automatic at pang-hanapbuhay ang sasakyan nyo. mahirap masiraan ng automatic transmission so manual transmission ang bilihin nyo na unit. at i-test drive nyo, off ang sound system at open windows para madinig nyo kung may abnormal na tunog. i-drive nyo din sa lubak-lubak na kalsada para maadinig nyo kung meron na kalampag. mag-U-turn todo kabig ang manibela kaliwa't kanan, kung may sira ang steering tutunog yun. arankada tapos todo ng preno ng nakabitaw sa manibela para makita nyo kung may kabig ang preno at balanse ang steering.

    isa pa, wag kayo masyado apurado bumili. tumingin kayo ng mga 5 ts bago kayo mag-commit. malay nyo makakita kayo ng mas maganda pa at mas mura.

    pag ok na sa inyo (at sa mekaniko) yung unit, tignan nyo papeles, pa-stencil nyo ang engine at chassis number, at i-verify nyo sa crame para sigurado na hindi carnap.

  13. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #13
    Hindi nga kaya ni tatang ng brand new yung H100/Grace nga kukunin through financing magkano lang yun compared sa brand new.

    Tatang kung kayo ho ang magmamaneho mas maganda para hindi malaspag agad ang sasakyan mo yung iba kasing driver walang pakialam sa sasakyan takbo ng takbo, nakikipaghabulan, biglang preno, biglang arangkada lalo na yung mga bata pang driver yan ang mas dapat iwasan.

    Kung kaya mo hong i-cash out yung H100/Grace the better kasi wala ka ng iisipin kundi yung pang maintenance mo na lang.

    Ang maghapong kita pala ng mga kakilala ko (school days) nasa 800-1200; sabado-linggo 800-1000; pero may malas ding araw minsan nga daw 35 pesos lang naiuwi nila pero nakapag full tank na sila.

  14. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    149
    #14
    Quote Originally Posted by j_avonni View Post
    I suggest you consider other lines of business.

    With the rising costs of fuel and spare parts, transportation business is not advisable if you would have 1 unit operating only and considering that it would be under loan.

    Paano na kung nagkaaberya o naaksidente ang sasakyan? Where would you get the payment of your loan?
    Agree with this. Parang tinapon mo lang pera mo sa kalsada at araw araw mong pinupulot.

  15. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    9
    #15
    naku, nagulat ako sa mga payo nyo mga iho. napakalaking tulong ang mga naging payo nyo. maraming maraming salamat! tama kayo, wala talaga akong malaking halaga pang bayad ng bagong sasakyan. dito ako sa prubinsya papaarkila at babyahe.balak ko financing lang ng h100 para may matiira pa akong pangpa-ayos ng kaunti, gaya ng sa aircon. ano kaya mga papeles ang matatanggap ko pag ganireng financing?

    Maraming salamat din dito sa TSIKOT at maraming natutulungan na kagaya ko. Mga iho, uulitin ko pasasalamat kongmuli!

  16. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #16
    Hindi naman po sa nililihis ko ang usapan, pero balita ko po sa probinsya magandang negosyo ang nagpapaupa ng Videoke machine. May bayad na yung pag-arkila, minsan may bayad pa din kada-kanta depende sa inyong usapan.

    Pero pabor din ako sa rent-a-van ni yebo basta kayo po mismo ang magmamaneho.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  17. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,495
    #17
    suggestion lang ho hindi ko den nililihis ang usapan.

    Tatang kung madami sasakyan sa inyo private lalo na nakapalibot ang mga subdivision sa inyo ang suggestion ko po ay magtayo kayo nang car wash maliit lang po puhunan at sigurado den po kayo may kita.

    Gandahan nyo na lang ho serbisyo at dagdagan nang mga pwede pa pagkakitaan dun katulad nang pagkain at videoke habang naghihintay sila.

    suggestion lang po

  18. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    22,702
    #18
    Masyadong mahirap pag brand new. Ang usual na payment scheme pag brand new, considering na 200,000 pesos ang downpayment ay lampas 20,000 kada buwan. Yung isang pinsan ko may guaranteed line at weekly trips siya, pero pag minsan, sapat lang sa pagbayad ng monthly ang kita niya. Para umabot ka sa 20,000 kada buwan, dapat 5-6 na lakad kada linggo ang gagawin niyo.

    Kung secondhand, okay naman ang Hyundai Grace, marami na ring parts para dito, at kung marunong ang mekaniko, marami ding piyesa na galing Japan ang kasya. Okay din ang L300, pinakamadaling alagaan, pero medyo mahal pa ang secondhand niyan, at usually mga 10-15 years old na yung mga under 200,000 na available.

    Pero tama yung isang suggestion sa taas... dapat kasama ka sa isang grupo para mas madalas ang mga trips. Kung ikaw mag-isa, medyo mahirap maghanap ng customer.

    Ang pagbalik ng comeback...

  19. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    3,773
    #19
    Quote Originally Posted by j_avonni View Post
    I suggest you consider other lines of business.

    With the rising costs of fuel and spare parts, transportation business is not advisable if you would have 1 unit operating only and considering that it would be under loan.
    baka may makita po kayo dito:
    http://entrepinoys.blogspot.com/

    also i-consider din nyo po ito:
    http://www.dti.gov.ph/contentment/66/69/675.jsp

    All BMBEs shall be exempt from income tax for income arising from the operations of the enterprise.

    The LGUs are encouraged either to reduce the amount of local taxes, fees and charges imposed or to exempt the BMBEs from local taxes, fees and charges.

  20. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,819
    #20
    yung uncle ko sa zambales van-for-hire isa sa business nya, walang araw na bakante at madami umaalis papunta airport nagre-rent ng van. lalo na pag pasko saka summer, dami balikbayan saka pumupunta sa beach.

    sugestion lang na sideline tatang kasi sabi mo sa probinsya ka, baka meron ka kahit maliit na lote lang, try mo hito (catfish) production. pagawa ka lang ng pond. huwag yung hukay at magpapahukay ka pa. hollowblocks mga 4-6 na hollowblocks ang taas parang mababa na kulungan ng baboy, tapos sementuhin mo din ilalim manipis lang 2 inches. bili ka water pump para sa aerator at filter. yung aerator e bale pipe lang yun na nag-spray ng tubig dun sa pond para bumula, tapos yung filter e drum na may mga butas sa tabi lang at puno ng bato saka buhangin kung saan sumisipsip ng tubig yung pump. ang catfish fingerling (2 inches ang haba) ay P0.80/piece. syempre may pagkain yan na bnibili. pero pag nag-harvest ka laking kita at P120/kilo ang pakyawan nyan. ingat lang na yung kukunin mo na fingerling ay dapat parehas ng laki. kung may mas malaki kasi ay kakainin nila yung maliliit mabawasan ang i-harvest mo. maliit lang na lote kelangan mo dyan. yung kasama ko yan ang sideline. sa lumang swiming pool nya nilagay, 7 meters x 15 meters lang yung pool at 1 meter lang ang lalim ng tubig. kada harvest nya (every 3 months, average 3 hito/kilo) P100,000 ang kita nya.

    bale daily bread mo yung van-for-hire, pang-payaman naman yung hito. o di ba!

Page 1 of 3 123 LastLast
Magandang Umaga [negosyong VAN]