mga sir, advice naman. first time ko kasi mainvolve sa ganito and almost 1 year pa lang ako drive.
while driving last night biglang nag-stop yung truck ahead of me so nag sudden break din ako. ingay nga nung gulong ko talagang sumadsad. around 60kph yata takbo namin. luckily di ko naman sya inabot. kaya lang yung L300 FB na sumusunod sa akin di yata kumagat agad yung break ayun sapol likod ko. buti hindi natumbok, right side lang.
eto ngayun, after lahat lahat na, investigation, police report etc... insurance na raw nila bahala sa damaged. paano ko ba dapat i-handle to? sabi nga nung pulis mabuti pa kung tao tao lang. pag insurance baka abutin daw siyam-siyam. kaso no choice insurance talaga mag-aayos. help naman what to do? ano ba yung mga dapat kung gawin para mapabilis? sabi lang nung pulis bahala na kami mag-usap nung nakabangga. pag walang nangyari balik daw ako to file a case...