New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 20 of 62

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Oct 2007
    Posts
    423
    #1
    Ang akala ng karamihan dahil may kotse ka, di ka na kumakain ng street food and pasosi na. Kweto ko lang muna yung nakita ko sa monumento bago tayo mag usapang street food.
    When I was in first year college, my cousin and I usually go to A.Bonifacio kasi bank manager tita ko sa isang bank,. Usually hapon kasi yun ang time ng uwi ng tita ko and sasabay na kami. We usually eat sa mga tukneneng stands and eat to our high-bloods desire. Since malapit lang naman sa bangko.
    Tapos may nag park sa harap ng bank.. Ganda. Porsche Boxster. So habang kumakain kami ng pinsan ko, tinitgnan ko yung kotse. Pasok yung
    may-ari ng porsche sa bank then lumabas. Akala namin aalis na, aba e papunta samin yung guy tpos pumunta sa tukneneng stand sabay kuha ng plastci bowl then kain. Natawa nalang kami ng pinsan ko pag alis ng guy kasi di talaga namin ineexpect na kumakain pala sya ng ganung klaseng pagkain. Nakakaaliw.
    Back to the topic.
    This is what I've eaten when it comes to street food:
    1. Tukneneng / Tuknanay / Kwek2x (daming tawag e. FYI to those people that don't know this, it's egg wrapped in batter and deep fried)
    2. Krispy Kunat (Chicken strips na mas marami yung batter kesa sa chicken)
    3. Calamares (Puro Tentacles)
    4. Pureswift hotdogs (yung maliit na di mo maintindihan yung lasa pero ok naman)
    5. BBQ sa kanto, Dugo (Betamax), Isaw, Balat, Ulo, Adidas, Atay (VHS), Tokong (Bahay bata ng pig)
    6. One day old (One day old Chick)
    7. Balot / Penoy
    8. Fishball, squidball at kung ano ano pang balls (ni manong? )
    Dami na din pala. Hehe.
    Kayo, ano na nakain nyong street food?

  2. Join Date
    Oct 2007
    Posts
    423
    #2
    walang kumakain ng street food? ows!

  3. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    2,979
    #3
    ako dre..... ayoko lang ng sisiw ng balot, yun leeg, ulo saka paa (adidas)
    yun paa masarap adobo hehehe! lahat ng sinabi mo kinakain ko. isaw at calamares lagi ko hinahanap. iwas lang ako sa balat....

  4. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #4
    mahilig din ako sa street foods pero hindi ko sinasawsaw ako na lang gumagawa ng sauce.

  5. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    7,976
    #5
    yep ako rin as is. walang sauce, hindi ako nakain ng sukang hilaw eh... maasim at mabaho atdapat may shot ka ng hepa A at B para alang kaba.

  6. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    611
    #6
    sarap naman... hahahah!!! pati fishball isama na natin, at gulaman, sago, etc.. pati at scramble pinapatulan din.....

  7. Join Date
    Jan 2006
    Posts
    12,398
    #7
    I just remembered aside ffrom fishball, I also liked roasted sweet corn on the cob and siopao. Mmmm. Yum. As for catching germs..... Oh well. I have a cast-iron stomach. I caught every gastro-disease (including parasitic worms) over there and yet, I kept coming back for more street food.

    The only complaint I ever had was when I had a glass of buko juice which tasted more like sugared water. But, I bought two more glasses anyway because I was thirsty.
    Last edited by Jun aka Pekto; February 11th, 2008 at 07:33 AM.

  8. Join Date
    Jul 2004
    Posts
    464
    #8
    nakakatakam naman yan... ang gusto ko po na street foods are the ff:

    1. mais with cheese powder & star margarine
    2. Singkamas w/ bagoong
    3. Taho
    4. Cotton Candy

  9. Join Date
    Nov 2006
    Posts
    311
    #9
    I don't eat food sold in the street, but i eat fishball, kikiam etc. pag luto sa bahay.

  10. Join Date
    Jun 2007
    Posts
    191
    #10
    Footlong hotdog
    Hilaw na mangga na may bagoong(hasik ng lagim kapag nagsalita)

    Saka the usual fishball, kwek-kwek, kikiam, bbq na mga spare parts ng baboy at manok.

  11. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    4,631
    #11
    Madalas fishball at barbecue nung bata ako. Isama na pati binatog. Lalo na nung pumapasok ako sa UP, three times a week yata kinakain ko dalawang stick ng squidballs tsaka buko juice for lunch. Less than 20 pesos, busog na. Plus isaw-baboy and isaw-manok every 4pm sa tapat ng Kalayaan Hall (Sarap! Sakit ng batok ko!!!)

    Tsaka wekwek. Pag nasa mall kami tapos may stall na nagtitinda ng wekwek, talo-talo na.

    Dati talaga nandidiri ako kumain ng pork blood (betamax). Eh nung GF ko pa si misis, mahilig siyang kumain nun dahil sa anemia niya. Dinala ako sa trusted niyang tindera ng street food, and I became a believer. Minsan maramihan pa kami bumili ng dugo sa gabi, mga 20-30 sticks. Tapos iuuwi namin sabay ulam sa kanin. Solb na solb! :thumbup:

    Syet, tagal ko nang hindi kumakain ng dugo...:dracula:
    Last edited by Bogeyman; February 15th, 2008 at 09:53 PM.

  12. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    1,455
    #12
    nadale na ako nyan.

    sabi ko now sa sarili ko. ngyn afford ko na bumili ng pagkain na matino,bakit pa ako kakain ng pagkain na nilalako lang.

    maganda nyan bili na lang kayo then gawin nyo na lang sa bahay :P

  13. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #13
    Quote Originally Posted by pitbullz View Post
    nadale na ako nyan.

    sabi ko now sa sarili ko. ngyn afford ko na bumili ng pagkain na matino,bakit pa ako kakain ng pagkain na nilalako lang.

    maganda nyan bili na lang kayo then gawin nyo na lang sa bahay :P
    Sa SM Supermarkets, meron pong mga fish/squid balls, kikiam, etc. na nabibili. Then meron ding nabibili na sauce (nakabote, ready to eat) para dito.

    Yung mga kids ko, enjoy sila sa bahay, at siguradong malinis ito.

  14. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    1,455
    #14
    ows? ayos yan a...


    eh isaw naman?

  15. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #15
    Quote Originally Posted by chua_riwap View Post
    Sa SM Supermarkets, meron pong mga fish/squid balls, kikiam, etc. na nabibili. Then meron ding nabibili na sauce (nakabote, ready to eat) para dito.

    Yung mga kids ko, enjoy sila sa bahay, at siguradong malinis ito.
    madali lang naman gumawa sauce ng fishball at squidball, arina, brown sugar at konting toyo lang lagyan ng konting sili para maanghang. yan ang siguradong safe

  16. Join Date
    Jan 2008
    Posts
    502
    #16
    i've been reading the thread and i can say that i eat all of them...but of course it depends on the availability

  17. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    4,085
    #17
    ung calamares pa lang ang hindi ko nasusubukan..hehe

    may gut feeling ako na dun ako mabibinggo..

    everything else.. maarap!

  18. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,639
    #18
    on my first job somewhere in faraday st, makati. parallel to southsuperhiway. may tumatambay sa harap ng office na nagtitinda ng "mami" pwede ka ring bumili ng parang tinoyoang kanin para isama sa mami or vice versa. tapos unlimited ang pwede mong ilagay na onion o garlic branches ba iyon. basta yung kulay green na nilalagay sa lugaw at arrozcaldo. alam ko ung vetsin ang nagpapasarap duon pero what the heck, sarap pa rin eh

  19. Join Date
    Jun 2007
    Posts
    1,189
    #19
    HS dati pag napadaan sa shaw, meron dun nagbebenta ng "bopis" gawa sa baga (kulay black) at litid (kulay orange) grabe ang sarap yung sauce pa yung nagpapasarap nun kahit alam namin ng tropa ko na madumi yun kain parin, pag naiisip ko ngayon to naglalaway ako immortal ang lasa nito hehe

  20. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #20
    Sa Makati nun may nauso pa........ yung "Walastik"! Ang sarap nito. Eto yung soup na gawa sa litid at beef, ka-partner nito fried rice. Yung mga tsiks na "pasosyal" ng konti (yung mga ayaw kumain sa kalye), bibili, ipapabalot, then sa opis lalantakan. He-he! Ang daming parokyano nito, tuwing umaga.

Page 1 of 3 123 LastLast
Street food.. YUMMY. Post your comments!