Ang akala ng karamihan dahil may kotse ka, di ka na kumakain ng street food and pasosi na. Kweto ko lang muna yung nakita ko sa monumento bago tayo mag usapang street food.
When I was in first year college, my cousin and I usually go to A.Bonifacio kasi bank manager tita ko sa isang bank,. Usually hapon kasi yun ang time ng uwi ng tita ko and sasabay na kami. We usually eat sa mga tukneneng stands and eat to our high-bloods desire. Since malapit lang naman sa bangko.
Tapos may nag park sa harap ng bank.. Ganda. Porsche Boxster. So habang kumakain kami ng pinsan ko, tinitgnan ko yung kotse. Pasok yung
may-ari ng porsche sa bank then lumabas. Akala namin aalis na, aba e papunta samin yung guy tpos pumunta sa tukneneng stand sabay kuha ng plastci bowl then kain. Natawa nalang kami ng pinsan ko pag alis ng guy kasi di talaga namin ineexpect na kumakain pala sya ng ganung klaseng pagkain. Nakakaaliw.
Back to the topic.
This is what I've eaten when it comes to street food:
1. Tukneneng / Tuknanay / Kwek2x (daming tawag e. FYI to those people that don't know this, it's egg wrapped in batter and deep fried)
2. Krispy Kunat (Chicken strips na mas marami yung batter kesa sa chicken)
3. Calamares (Puro Tentacles)
4. Pureswift hotdogs (yung maliit na di mo maintindihan yung lasa pero ok naman)
5. BBQ sa kanto, Dugo (Betamax), Isaw, Balat, Ulo, Adidas, Atay (VHS), Tokong (Bahay bata ng pig)
6. One day old (One day old Chick)
7. Balot / Penoy
8. Fishball, squidball at kung ano ano pang balls (ni manong? )
Dami na din pala. Hehe.
Kayo, ano na nakain nyong street food?