New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 12
  1. Join Date
    Apr 2003
    Posts
    973
    #1
    Nagkaroon ng children's party dito sa 'min last January. Bumili kami ng maraming Coke na 1.5 L bottles. Ngayon, may 1 bote na bawas na at naitabi dito sa ilalim ng kitchen sink. Kinalog ko kanina, may ispiritu pa. Di ko tinangkang amuyin at baka kung anong amoy pa ang umalingasaw sa kin. Wala naman na akong balak inumin pa yun pero curious lang ako, napapanis ba ang softdrinks?

  2. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    7,970
    #2
    Quote Originally Posted by isketi View Post
    Nagkaroon ng children's party dito sa 'min last January. Bumili kami ng maraming Coke na 1.5 L bottles. Ngayon, may 1 bote na bawas na at naitabi dito sa ilalim ng kitchen sink. Kinalog ko kanina, may ispiritu pa. Di ko tinangkang amuyin at baka kung anong amoy pa ang umalingasaw sa kin. Wala naman na akong balak inumin pa yun pero curious lang ako, napapanis ba ang softdrinks?
    IMO di napapanis ang softdrinks dahil may preservative yun nga lang nag-iiba ang lasa dahil nawawala CO2 pag nabuksan na.

  3. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,162
    #3

    Tama si XTO,- nawawala lang ang 'espiritu'....

    4707:santas:

  4. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    6,099
    #4
    Di siya napapanis, pero may shelf/storage life ang softdrinks. Usually up to 8 months ang tinatagal ng softdrinks if nasa room temperature at di siya under direct sunlight. under direct sunlight, maximum of 4 to 6 months lang.

    pag nabuksan na siya, dun nagbabago yung lasa nya dahil nawawala na yung C02 nya.

  5. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    750
    #5
    tsaka pag hindi nalinis ng maaigi kung bote...

  6. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    6,099
    #6
    ^^^Usually, ang bote ay dumadaan sa ilang stages para linisin, from the case, pupunta ito sa isang malaking soaking machine kung saan doon lahat nangyayari ang paghugas, pag soak sa cleaning chemical nya, pati na din pagpapatuyo. Kung di ako nagkakamali, 100 degree celcius ang init ng machine para sa paglilinis nito.

    but, may mga incident na talagang hindi natatanggal lahat ng dumi sa bote,especially yung upos ng sigarilyo, dahil kumakapit na yan dun. Sa ganyang kaso, minsan talaga nagkakaroon ng mga binebenta na softdrinks na makikita mo na may dumi. Lalo na sa kaso ng beer na hindi clear ang bote kaya di mo talaga malalaman kung may dumi, eh palagi pa naman partner yang beer at yosi. Madalas na ung upos dun mo ilagay sa bote.

  7. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    600
    #7
    may nabasa akong trivia dati, honey lang daw ang pagkain na hindi na napapanis...

  8. Join Date
    Apr 2003
    Posts
    973
    #8
    Salamat po.

    Tinapon ko na rin siya kanina.

  9. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    364
    #9
    Quote Originally Posted by Sarsi View Post
    Di siya napapanis, pero may shelf/storage life ang softdrinks. Usually up to 8 months ang tinatagal ng softdrinks if nasa room temperature at di siya under direct sunlight. under direct sunlight, maximum of 4 to 6 months lang.

    pag nabuksan na siya, dun nagbabago yung lasa nya dahil nawawala na yung C02 nya.
    +1 me sa yo Sir Sarsi,ex-softdrinks company man ka yata.

  10. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,162
    #10
    Quote Originally Posted by monsrick View Post
    +1 me sa yo Sir Sarsi,ex-softdrinks company man ka yata.

    Bro.,- ang pagkakaalam ko,- siya ang may-ari ng Sarsi....

    4707:santas:

Page 1 of 2 12 LastLast
Napapanis ba ang softdrinks?