
Originally Posted by
1D4LV
madami na akong kilalang ganyan. yung iba naman yung babae nangangaliwa sa mga husbands nila na nasa abroad.
CASE 1:
Classic case lang yung bro-in-law (BIL) ko. Seaman for 18 years. Although I can say dito na may problema talaga sa utak yung asawa nya and nagbulagbulagan si BIL dito.
before pa lang umalis si BIL, nahuli na nya nangangaliwa ang babae. Nung nag confront sila, di daw yun ang gustong buhay ng babae. Dati kasing store manager ng Jollibee si BIL. maliit ang kita. Pinakasalan lang ito ni BIL dahil nabuntis.
Nung nalaman na magsea seaman si BIL, aba, biglang nakipagbalikan yung babae. Nag resign din dun sa trabaho nya. Feeling siguro nya buhay donya na sya dahil seaman ang asawa nya.
Bawat padala ni BIL, waldas si babae. Unang padala ni BIL, bumili kaagad ng Macbook Air, considering housewife na naman sya. Pangalawang padala, aba, bumili ng DSLR. Pinakawalan ito ni BIL. Si BIL, dahil siguro mabait (and medyo may pagka engot), nagpundar lahat. Oto, lupa, bahay. Pinagaral pa nya ang babae ng mga special courses dahil gusto daw magkaroon ng sariling tutorial center. After one year, umayaw na yung babae. So nawala lahat pinundar ni BIL. After two years, gusto naman daw magtayo nung babae ng manpower agency. So sinuportahan ni BIL. After 6 months, hindi makakita ng client, ayaw na daw. So wala na naman. Up to the time na gusto naman daw magaral ni babae ng Stock Investments para maging stockbroker. Support na naman si BIL. kaso, walang makuhang cliente. Ayaw na naman daw. Nagaral ng financial planning sa Philamlife, kaso, hindi na renew yung license dahil hindi nakaabot sa 12 ICs na requirement ng Insurance Commission para i-renew ang license nya. Support pa din si BIL, nag place ng stocks, nag invest sa MFs ng Philamlife para may business si babae.
Mas gusto ni babae na chumika sa mga amiga nya, lumabas, kumain sa mga hotel and mag stay sa mga mamahaling resorts. Di na alam ni BIL ito. Nakikita na lang namin sa FB ni babae.
Then came this February. Nakasakay si BIL. Tinext sya na gusto na daw makipaghiwalay ni babae kay BIL. SYempre, si BIL, nagulat. Ayaw na syang kausapin. Na depress si BIL sa barko, umuwi ng maaga. Diagnosed as severe depression.
Paguwi ni BIL, pinalayas sya ni babae sa bahay nila na napundar ni BIL. Nadiskubre pa ni BIL na madaming utang yung babae sa 5-6, ngayong di naman sya nagkukulang sa sustento. Nakita din ni BIL na madaming basang damit si babae sa trunk ng oto nila na hindi binababa. Madami ding ***y underwear na hindi naman daw ganun dati.
Nung tinanong namin si BIL para protektahan interests nya, lahat ng investments sa stocks and MFs, wala na. Tapos yung oto nila, nakapangalan na dun sa babae and gusto ibenta ni babae yung oto ngayon. Nagdududa kami na may nagsusupport na dun sa babae kaya malakas ang loob. Pinabarangay pa ni babae si BIL dahil gusto ni babae bayaran yung MA sa bahay, and support sa mga anak in terms of education and daily needs.
Ngayon, we are advising annulment na. We even gave BIL a lawyer. Kaya lang madami pang proseso and baka makasakay na ulit si BIL. Ang<script id="gpt-impl-0.8393620104514023" src="https://partner.googleadservices.com/gpt/pubads_impl_94.js"></script> siste neto, pag nakasakay na si BIL, tuloy ang gatasan. Pag hindi sumakay, broke si BIL.
Meron pa akong isang kwento. Seaman din. Tropa ko. Pero mahaba. Mamaya na lang.