New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 20 of 47

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #1
    I've been reading this news item in the broadsheets and the tabloids about this Judge from Batangas. Wala namang "mahalay" dun sa mga pix nya (11 pics, total), at medyo labas lang yung balikat. Mas malala pa nga yung pic nung policewoman na bumandera noon sa Friendster.

    Inggit lang ata ang mga Tongressman natin. Baka mas maganda si Judge sa mga asawa nila.



    Journal Online
    1 Mar 2008








    PINATINGKAD umano ng 11 ***y pictures sa Friendster ng isang babaing huwes sa Batangas ang patuloy na pagbaba ng moralidad ng publiko lalo’t isa dapat itong kapita-pitagan miyembro ng Hudikatura.

    Ganito ang reaksiyon ni Citizens Battle Against Corruption (CIBAC) Rep. Joel Villanueva sa reklamo ni Nueva Ecija Rep. Carlos Padilla, dating House Minority
    Leader noong 12th Congress, sa media kaugnay sa mga kuhang larawan ng 43-anyos na si Batangas Regional Trial Court Judge Ma. Cecilia Austria sa Friendster na mistulang isang modelong “nang-aakit.”

    “It’s very disappointing especially coming from a person who supposed to be look up to by our people. It’s a great sign that moral values of this nation is deteriorating,” ani Villanueva, anak ni evangelist Eduardo “Bro Eddie” Villanueva ng Jesus is Lord Movement (JIL).

    Sinabi ni Villanueva na dapat umaksiyon ang Supreme Court (SC) sa usapin sa gitna ng malaking kontrobersiyang kinakarap ng pamahalaan dahil sa malawakang alegasyon umano ng katiwalian.

    “Alam na nating may problema ang Executive branch, pero huwag naman sanang sumunod ang judiciary. We call on our Chief Justice to do something about this,” ani Villanueva.

    Naniniwala naman si Aurora Rep. Juan Edgardo “Sonny” Angara, isang abogado at anak ni Sen. Edgardo “Edong” Angara, na SC ang siyang magpapasya sa kaso ni Austria.

    “Na sa Supreme Court iyung power to discipline judges and members of the bar. It would depend really on whether the photos were bordering on obscenity. But ultimately, the SC will be the judge should anybody lodges a complaint,” ani Angara.

    Sa panig ni Marikina City Rep. Marcelino Teodoro, dapat maging sensitibo si Austria sa pagpasok sa mga bagay-bagay na alam nitong makakapagdulot ng kontrobersiya sa kanyang pagkatao.

    “The lady justice of Batangas should exercise propriety with her actions especially with the internet as a medium, where many can possibly view the pictures. As a public official with high moral responsibility to the public, she should exercise utmost sensitivity that can possibly tarnish her credibility,” ani Teodoro.

    Sinabi ni Padilla, isang independent, na maaaring ma-access ng sinoman ang seksing mga larawan ni Austria sa http://www.friendster.com/39687546 na nagtatago sa palayaw na “Sesil” at interesadong magkaroon ng mga kaibigan.

    Noong Hunyo 2007, isang babaing kasapi ng Philippine National Police na may ranggong Police Officer 2 at itinago sa pangalang “Queen Rubie” ang nalagay sa headlines ng mga pahayagan dahil sa ***y posing nito sa Friendster, kabilang ang picture na naka-bra na labis na pinagkaguluhan ng publiko.

    Inereklamo ang posing ni Queen Rubie ng mga magulang dahil nakikita ito ng kanilang mga anak at nagsisilbing hindi umano magandang halimbawa sa publiko lalo’t isa itong miyembro ng PNP.

  2. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #2
    hot momma!

  3. Join Date
    Jan 2008
    Posts
    502
    #3
    where is obscenity in those pics? those are just normal studio portraits...

    haaayyy...politics...tsk tsk tsk

    di pa siguro nakaka experience makapag pa picture sa studio yung si padilla :hysterical:

    [SIZE=1] asan yung link ni "queen rubie"?...[/SIZE]

  4. Join Date
    Apr 2006
    Posts
    198
    #4
    geesh... narrow minded politicos wherein deep down they're true blooded maniacs....

    putsa... balikat lang pinagpapantasyahan na pala ng mga congressman ngaun...

  5. Join Date
    Jan 2006
    Posts
    2,105
    #5
    what's immoral about this?



    though I prefer only the people who know her personaly can see this.

    *Villanueva: Devils don't look like monsters in the movies, they even look beautiful in reality. maybe your father should teach that on sunday school.

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,620
    #6
    lapit na election.. dapat mapagusapan.....
    labo nyo...

  7. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    1
    #7
    To all judge sesil detractors, sa mga mapang husgang congressman read this one

  8. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    1,064
    #8
    mukang ginagawan lang ng malisya ng mga "malisyosong" tao ng lipunan ..

  9. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    1,047
    #9
    wala na bang magawang iba itong si pakialamerong villanuev at kung ano-ano na ang pinapakialaman? o baka naman nagpapansin lang kasi ksp?

  10. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    1,214
    #10
    hindi kaya may balak tumakbo sa mas mataas na posisyon sa eleksyon kaya nagpapapansin..

  11. Join Date
    Oct 2007
    Posts
    1,324
    #11
    Yan mga gumagamit ng diyos para sa sarili nilang interes ang immoral.

    Nang dumating si Kristo nagpapakain sya pag nagtuturo sya, lahat ng mga preacher na humihingi ng donasyon, lahat yan peke.

    Pag me na meet kayo na preacher na ipagagamot at papakain at tuturuan kayo baka yon ang totoo nasa diyos.

    Itong si villanueva eh isang tao lang na gustong magdesisyon para sa atin
    lahat, para ano "ewan".

    Para sa akin maganda ang kuha ng photographer.

Solons: ***y Pics ng Batangas Judge, Imoral!