New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 17 1234511 ... LastLast
Results 1 to 10 of 163
  1. Join Date
    Jun 2012
    Posts
    36
    #1
    what would you do

    if you found out that during your wife's recent travel to the US, nakipag usap and meet sya sa friend/suitor nya, despite sa promise nya before na hindi sya makikipag communicate in any form?

    na hindi lang sila nag meet kundi nag dinner out, nag bar, at may nangyari pa (pero hindi natuloy dahil nakonsensya daw sya)...

    na kahit nalaman nya before sila mag meet na niloko lang pala sya ng guy. ang pakilala sa kanya magmula mag meet sila ay binata sya. yun pala may 2nd wife na pinay din, and 3 children...

    na during her stay there, instead na ikaw ang i-chat at kausap nya, yung other guy ang kachat at namimiss nya palagi dahil narealize nya na mahal din pala nya ito (after na ito nung incident na hindi natapos)...

    na willing syang hindi na bumalik sa pilipinas, maging kerida, isacrifice ang magandang carreer, family at marriage nya for him...

    na may plan sila na bigyan ng 3 months ang isa't isa before mag decide kung anong mangyayari sa affair nila. na yung lalaki ididivorce yung asawa at yung wife mo para makapag decide kung mag stay sya sayo or sasama sa lalaki nya...

    na nung pagkadating na pagkadating nya sa airport sa manila ay yung lalaki ang una nyang ininform samantalang ikaw nag antay sa kanya ng ilang oras...

    na even after 2 days na sya nakabalik, cold parin sya kasi yun lalaki nya ang namimiss nya...

    na may usapan pa sila na bibili ng new phone para matago syo totally yung affair nila...



    nagbago lang lahat nung matuklasan mo yung affair nila accidentally dahil nakita mo chat log nila sa iphone ng misis mo...kahit deleted na yung email sa draft/inbox/sent item, may natitira sa iphone at pwede sya masearch

    ngayon, ikaw pinili nya. naisip daw nya hindi sya magfa-function mabuti kung dun sa lalaki nya sasama.

    na sising sisi sya sa nangyari.at ngayon nya narealize kung gaano ka nya kamahal...

    ginagawa ang lahat lahat para mapakita nya syo na mahal ka nya...

    kung ikaw, kaya mo pa ba sya tanggapin ulit? mapapatawad mo pa ba sya?


    brief history:
    - na meet nya yung lalaki sa airport 2 years ago sa una nyang punta sa US. tinulungan sya sa luggage, nakipag kaibigan at hiningi contact info nya. tanga naman ni misis dahil binigay ang cellphone # at email.
    - since then, tumatawag yung lalaki. at nanliligaw na nag ooffer ng pera at US visa. nung una sinasabi pa nung misis mo. pero nung pinapatigil mo na dahil hindi ka na kumportable eh tinago na nya
    - na minsan na depress sa work si misis at dun sya naging vulnerable. reklamo nya kulang ka daw ng oras sa kanya at yung lalaki ang nandun nung time na yun kaya nahulog na din loob nya.
    - na on-off yung long distance emotional affair nila kasi nahuli mo sya ng ilang beses at tumigil naman sya. pero everytime tumawag si lalaki, hindi mapigil ang sarili na sumagot.
    - 3 weeks before nung latest nyang travel, nahuli mo ulit syang nakikipag chat sa lalaki. at nung hihiwalayan mo sya, nagmakaawa na bigyan ng last chance. na titigil na talaga.
    - nakontak lang sya nung lalaki dahil sa hotel operator. tumawag daw sa lahat ng hotel sa place na pupuntahan nya. nasabi nya kasi nung last na chat nila na pupunta sya sa place na ito ng ganitong date.
    - nalaman mo lang yung nangyari sa knila sa kotse after ka na nya piliin ulit. ang alam mo nung una ay nakipag meet lang sya. napilitan lang sya magsabi nung tinatanong na yung detalye kung ano talaga nangyari sa US trip nya.


    may weight ba sayo kung:
    - malaman mo na wala naman talaga sya balak makipag meet sa lalaki. na kaya lang sya nakipag meet para mawala yung curiosity nya kung ano talaga nararamdaman nya sa lalaki
    - na hindi sya pumayag at lumaban sya ng naparaming beses nung pinilit sya nung lalaki na ikama sya magmula sa una nilang pagkikita sa hotel hanggang sa nilalasing sya sa bar. pero tanga sya sobra dahil sumama parin sya at nakipag inuman pa
    - na nangyari sa kotse "yun" nung pauwi na sila. bigla daw itinigal sa walang katao tao na lugar. mabilis daw yung pangyayari. split second, kinubabawan sya, pinilit, hanggang sa wala na sya lakas lumaban dahil nakainom din sya. kaya naisip nya, "what the hell. andito na din lang ako". na mga 15 seconds siguro sya nag responce sa halik nya, na 1/2 penetration lang nangyari, mga 10-15 seconds siguro yun. na nung nalingat yung lalaki dahil pinag condom nya eh dali dali syang lumabas ng kotse dahil ayaw daw nya talaga?

    *napatawad ko na sya at pilit na binabalik yung dating relasyon. pero ang pumipigil na makapag move on talaga ay yung nangyari sa kanila sa kotse. paulit ulit every second na naiisip ko yung nangyari sa knila dun. para akong mababaliw. hindi ko matanggap...

    *sorry sobra haba, isang way siguro ito para makapag vent out ng sama ng loob...

  2. Join Date
    May 2006
    Posts
    1,625
    #2
    di nga sir? totoo?? honestly, ako di ko alam ang gagawin ko. ang naiisip ko baka mapatay ko sila pareho... pero wag naman sana mangyari 'to... tanong lang sir, mahal mo pa ba siya? sa tingin mo sincere siya nung sinabi nya na magbabago na siya? may anak ba kayo? try mo din sir mag-counselling for sure matutulungan ka nila. you did the right thing sir na ikwento or ilabas yung nararamdaman mo... SALUDO ako sayo sir!

  3. Join Date
    Jun 2012
    Posts
    36
    #3
    yup, totoo. last month lang nangyari. we've been together for 13 years na. 6 years bf/gf + 5 years married. wala pa kami anak.

    palagi nya sinasabi sa akin dati na hindi nya kaya mabuhay ng wala ako. ngayon, lumalabas nahulog na din pala loob nya nung time na yun.

    galit din ako sa sarili ko kasi siguro 95% lang ginawa ko para ma stop yung communication nila dati. nag hope ako na gawin nya yung 5% kasi.

    pero hindi nangyari. konting kulit lang sa kanya nung lalaki, sasagot na naman. tuloy ulit communication.

    nung blinock ko yung lahat lahat (ym, email, change mobile #, fb, etc) eh i was too late na. alam na nung lalaki na pupunta sya sa US.

    yup, mahal ko parin sya. kakabili ko nga lang ng iPad sa kanya kahapon. haha. stupid me!

    sa tingin ko sincere naman sya ngayon...dati nung gf/bf palang kami, ako pinili nya kaysa sa family nya. ayaw kasi sa aking ng magulang nya dati. willing syang isacrifice dati for me...

    binigyan ko na talaga ng ultimatum. last na talaga ito. kahit mag "hi" sya sa lalaki kahit sa ym or email, or pag pinuntahan sya at nakipag usap, sabi ko hihiwalayan ko na talaga sya.

    yun lang talagang nangyari na 30-sec sa kotse ang hindi maalis sa utak ko...

    gusto ko nga magpunta sa psychiatrist sana. kasi baka mabaliw na ako.

  4. Join Date
    May 2006
    Posts
    1,625
    #4
    di ka stupid sir, mahal mo lang talaga wife mo. and sana lang ma-realized niya kung gaano ka kabait and gaano mo siya kamahal... psychiatrist naman agad sir? try mo muna sa counselor... try mo muna maging cliyente bago maging pasyente... actually psych grad ako di ko lang na-practice. pagka-graduate ko kasi e naging pasyente ako. :lol:

  5. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #5
    TS....pang MMK ito ah. he-he!
    sir try mo rin si joe d mango.

    seriously, pag mahal mo pa ang isang tao, talagang kahit ano pa gawin nyan, hindi mo rin ma-take na mawala siya.
    pero nasa sa 'yo yan. if you love her that much, give her a second chance. pero kung makikita po pa ulit na may communication pa sila, at siya ang gumagawa ng paraan, para makipag-usap sa lalaki, eh ibang usapan na yan. kalasan mo na! huwag mo papatayin ha, lifetime imprisonmnet yan. bahala na karma sa misis mo.

    matindi nga yang 30 secs. na yan........
    Last edited by chua_riwap; June 13th, 2012 at 08:51 PM.

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,273
    #6
    Quote Originally Posted by chua_riwap View Post
    matindi nga yang 30 secs. na yan........
    30sec.....and 15min
    Signature

  7. Join Date
    May 2006
    Posts
    1,625
    #7
    Quote Originally Posted by chua_riwap View Post
    TS....pang MMK ito ah. he-he!
    sir try mo rin si joe d mango.

    seriously, pag mahal mo pa ang isang tao, talagang kahit ano pa gawin nyan, hindi mo rin ma-take na mawala siya.
    pero nasa sa 'yo yan. if you love her that much, give her a second chance. pero kung makikita po pa ulit na may communication pa sila, at siya ang gumagawa ng paraan, para makipag-usap sa lalaki, eh ibang usapan na yan. kalasan mo na! huwag mo papatayin ha, lifetime imprisonmnet yan. bahala na karma sa misis mo.

    matindi nga yang 30 secs. na yan........
    ^
    bilis mag-edit ah?!

    afaik, pag na-caught in the act mo sila and napatay mo pwede ka ma-abswelto. cmiiw.

  8. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #8
    Quote Originally Posted by ecneret View Post
    ^
    bilis mag-edit ah?!

    afaik, pag na-caught in the act mo sila and napatay mo pwede ka ma-abswelto. cmiiw.
    ha-ha! bilis ba? ....

    yep. pag caught in the act, pwede ma-absuwelto.

  9. Join Date
    May 2006
    Posts
    1,625
    #9
    Quote Originally Posted by chua_riwap View Post
    ha-ha! bilis ba? ....

    yep. pag caught in the act, pwede ma-absuwelto.
    talo mo pa si nicolas cage sir chua, gone in 30 secs!

  10. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #10
    TS....wala pa yung mga love counsellors dito eh like shadow, GH, si uls, cvt, renzo and.......pop3corn.
    Last edited by chua_riwap; June 13th, 2012 at 09:31 PM.

Page 1 of 17 1234511 ... LastLast

Tags for this Thread

What would you do when your wife cheated on you?