Maituturing na isang malaking negosyo ang cyber *** sa Pilipinas dahil kumikita ito ng P5 milyon kada araw na siya umanong ginagamit na pantapal sa mga awtoridad upang hindi mahuli, ayon kay Senator Jamby Madrigal.
Ito ang inihayag kahapon ng senadora sa isang pulong balitaan sa Dencio’s sa Greenhills, San Juan kahapon kung saan ito ay panauhing pandangal.
Ayon kay Madrigal, kung hindi agad kikilos ang mga awtoridad ay hindi malayong ang Pilipinas ay siyang tatayo bilang numero uno sa child ****ography.
"The Philippines is the second largest worldwide as producers of child ****ography," pahayag ni Madrigal.
Si Madrigal ang naghain ng isang batas sa Senado na naglalayong patawan ng bitay ang sinumang may hawak na child ****ographic materials.
Sinabi pa nito na may isang sindikato na nagpapatakbo ng cyber *** sa Manila hanggang Clark, sa Subic at sa Las Piñas.
"I am talking about children below 13 years old being used for child ****ography and cyber ***," pahayag ni Madrigal.
"We wanted a conviction now because no one has been convicted that is why they are so bold," dagdag nito.
May mga report na libu-libong mga Pinoy ang nadadagit ng mga cyber *** operators sa pamamagitan ng Internet.





