TRUE!
Medyo mahirap tagalugin at i-explain in detail, but I will try a shortcut approach para sa lay persons.
Sa High Blood or Hypertension (HTN), ang basis is Blood Pressure (BP)... which is Systolic Pressure (SP) over Diastolic Pressure (DP)... kung sa math eh:
SP / DP
Ano ba nag papa taas ng SP? ... Sagot:
1. Increase Cardiac Action o Increase sa lakas ng pumping action ng puso.
2. Decrease Elasticity and Distensibility of Arteries/Arterioles (Arteriosclerosis) ... age related.
Habang tumatanda mahirap ng mag distend and arteries and arterioles natin kaya kailangan mag increase ng Cardiac Action... thus HTN.
Ano koneksyon nito sa PAG TIGAS ni MANOY? Syempre para tumigas si Manoy kailangan mag dilate ng blood vessels para mapuno ng dugo... eh kung may Arteriosclerosis na ang patient... syempre hirap ng patigasin si Manoy kasi di maka daan ng maigi ang dugo dahil ayaw mag dilate.
Ngayon sa DP naman... depende ito sa RESISTANCE ng dugo (related sa blood viscosity o lapot)...
Ano ang nagpapataas sa DP? Sagot: Arteriosclerosis din...
So pag tumaas SP at DP... eh High Blood o HTN ang tawag dun.
Marami pang factors... pero ito ang most common at pinaka madaling i-explain.
Isa pa ... pag may Arteriosclerosis na ang pasyente... syempre lahat ng blood vessels affected na di ba? Pwede din ma apektohan ang Hormones natin. Medyo madugong explanasyon to. Kaya shortcut na lang ha...
Lack of Gonadotrophins: amenorrhea (females), sterility, loss of libido... kaya apektado si Manoy ulit.
-------------------------------------------------
Sa Diabetes naman... Type II yun adult onset. Type I kasi pang Juvenile o sa bata lang.
Eto simple lang ang explanation... sa Type II Diabetes Mellitus (Adult Onset)... ang problema eh INSULIN RESISTANCE.
Ano ba ang INSULIN RESISTANCE? Ibig sabihin... normal ang Insulin ng patient kaya lang,
ayaw mag respond ng cells.
Para saan ba ang INSULIN? Eto yun Hormone na nagsasabi sa cells na gamitin nila ang SUGAR sa dugo para ENERGY.
Ano konektion nito kay Manoy? Eh
kung walang Energy ang cells... papa ano pa titigas si manoy eh WALA na ngang ENERGY.
Sana kahit papa ano naipaliwanog ko ng konti. Marami pang rason pero eto ang pinaka simple at madaling intindihin.
-------------------------------------------------
Balik sa topic.... ako wala pa din problema tungkol dyan ha. hehehehe
