New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 20 of 107

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    2,209
    #1
    background: recently got married. pareho kaming 30 yo.

    ngayon, gusto mag aral mag drive ng misis ko. ok naman sa akin. yun nga lang:

    1. wala pa talaga experience mag drive kahit minsan.
    2. wala comprehensive insurance kotse namin, (almost 8 years old na kasi).

    iniisip ko na bumili muna ng steering wheel simulator tapos dun muna sya mag practice practice sa pag drive. pag medyo kabisado nya na, saka na mag driving school. yung mumurahin lang.

    plano ko na ipa comprehensive insurance yung oto sa june. may tatanggap pa kaya nito? magkano kaya just in case. 2005 honda jazz.
    ok kaya yung naisip ko na driving simulator muna bago driving school? may lumang ps2 ako dito. baka pwede na yung NFS.

    ano sa palagay nyo?

    edit: pano iedit yung subject? pa change naman mods. kulang ng "to". hehehe

  2. Join Date
    Aug 2011
    Posts
    564
    #2
    may game na pang driving lesson. hanap ka lang. tapos gamitan ng matinong gaming wheel. huwag muna NFS. baka ma apply ni misis mo yun sa tunay na buhay.

  3. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #3
    pag tiyagaan mo na lang turuan sir. gagastos ka pa.
    dun muna kayo sa lugar na walang masyadong traffic, para wala distraction.

    A/T ba yung tsikot? mas madali para kay misis i-drive yan. di tulad kung M/T.

    masagwa nga yung title......
    Last edited by chua_riwap; January 21st, 2013 at 11:06 PM.

  4. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    2,209
    #4
    A/T naman. Dito lang kasi kami sa QC e. Walang lugar na di masyado ma tao. Pero baka pwede sa UP. Hehehe. Delikado ang joggers nito. Tsk tsk tsk.

    Pag nagdadrive nga ako sinasabihan ko na sya na isipin nya na sya ang driver. gayahin nya yung ginagawa ko. (maliban sa manibela. hehehe). parang di naman ako ginagaya.

  5. Join Date
    Jun 2012
    Posts
    4,447
    #5
    Quote Originally Posted by robot.sonic View Post

    hahaha. hindi naman siguro delikado kasi sigurado namang hindi yan haharurot kasi takot din. first time e. basta sabihin mo lang handa sya palagi sa preno at ikaw naman sa hand brake

  6. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    2,209
    #6
    Quote Originally Posted by dct View Post
    hahaha. hindi naman siguro delikado kasi sigurado namang hindi yan haharurot kasi takot din. first time e. basta sabihin mo lang handa sya palagi sa preno at ikaw naman sa hand brake
    ang inaalala ko kasi sir kung magpanic e. tapos instead na brake gas ang maapakan.

  7. Join Date
    Jun 2012
    Posts
    4,447
    #7
    ^ pacheck mo na lang sir para sigurado. kung inapakan man nya gas, atleast hindi full blast

    sa kaptid ko, halos hindi nya binibitawan ang brake e. haha. paalala mo na lang siguro sir. sabihin na rin na may possibility na baka gas maapakan nya, atleast aware sya na possible yun, magiging conscious sya sa pag apak

  8. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,174
    #8
    Quote Originally Posted by robot.sonic View Post
    ang inaalala ko kasi sir kung magpanic e. tapos instead na brake gas ang maapakan.
    Sa mga baguhang driver,- ganyan ang nangyayari.

    Pero A/T,- madaling i-drive iyan...

    Pero kung talagang kinakabahan kang turuan mong mag-drive ang wife mo,- magpagturo na lang siya sa iba... Baka pag-awayan lang ninyo iyan....

    17.8K:snow:

  9. Join Date
    Oct 2009
    Posts
    2,271
    #9
    naalala ko ung si janice kapitbahay kong super seksi ang hirap turuan palibahasa kasi laging naka mini skirt..pati ako nawawala sa atention sa pagtuturo sa kanya.

    A/T ang gamit niya honda jazz..natatakot din akong baka mabigla ng apak sa gas eh pati ako madisgrasya,
    kaya ang ginawa ko ay nag hanap ako ng piraso ng kahoy at tinali sa sa pedal gas,,
    ung kahoy na un ang nag silbing stopper sa gas pedal kaya kahit anong diin ng apak niya eh bahagya lang ang andar ng kotse..

    saka nung tanchado na niya ung distance sa likod harap side..at alam na niya ung tamang pihit ng manibela.after 3 day tinanggal ko nadin ung stoper na kahoy
    sa gas pedal..ayun sa loob ng 2weeks aba eh kaskasero pa sa akin :D

  10. Join Date
    Aug 2011
    Posts
    564
    #10
    Quote Originally Posted by chua_riwap View Post
    masagwa nga yung title......

    hahaha! di ko napansin to, pero natawa ako!

  11. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    2,209
    #11
    Quote Originally Posted by erj22 View Post
    hahaha! di ko napansin to, pero natawa ako!
    hahahaha. di na pala naeedit yung title. na PM ko na si SG. baka pwede sya mag edit.

  12. Join Date
    Jun 2012
    Posts
    4,447
    #12
    siguradong may tatanggap pa dyan sa 2005 na kotse mo

    for me parang wala atang kwenta simulator. drive na agad. A/T ba yan sir or M/T? kapatid kong babae 17 yrs old tinuturuan namin magdrive ng M/T L300, wala ding idea. ni hindi nya alam kung sa kanan o kaliwa ang brake and gas. hindi rin marunong magstart. as in zero knowledge. sa open space. kaya naman nya, once nga lang namatayan e. nung una halatang halata na kabado talaga. pero nung makailang ikot, ok na sya. handa lang palagi sa hand break. basta sa open space lang muna

  13. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    2,209
    #13
    Quote Originally Posted by dct View Post
    handa lang palagi sa hand break. basta sa open space lang muna
    kung ma apakan ba ng sobra yung gas dahil sa panic kaya i stop ng hand break? baka kailangan ko muna ipa check yung rear brake ko nito.

  14. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    10,310
    #14
    Quote Originally Posted by robot.sonic View Post
    background: recently got married. pareho kaming 30 yo.

    ngayon, gusto mag aral mag drive ng misis ko. ok naman sa akin. yun nga lang:

    1. wala pa talaga experience mag drive kahit minsan.
    2. wala comprehensive insurance kotse namin, (almost 8 years old na kasi).

    iniisip ko na bumili muna ng steering wheel simulator tapos dun muna sya mag practice practice sa pag drive. pag medyo kabisado nya na, saka na mag driving school. yung mumurahin lang.

    plano ko na ipa comprehensive insurance yung oto sa june. may tatanggap pa kaya nito? magkano kaya just in case. 2005 honda jazz.
    ok kaya yung naisip ko na driving simulator muna bago driving school? may lumang ps2 ako dito. baka pwede na yung NFS.

    ano sa palagay nyo?

    edit: pano iedit yung subject? pa change naman mods. kulang ng "to". hehehe
    same case with my wife, she was 33 when she learned how to drive, nag try din ako sa ps2 at logitech steering wheel with Gran Tursimo, bali wala rin, nagsayang lang ako ng pera sa steering wheel. try mo bump car sir sa star city or moa, yung konti tao, just for her to learn steering.

    yung clucth, brake at gas eh ikaw na magturo.

    then driving school, then after that for a week sinabayan ko sya sa drive papunta at galing opisina.

    isa siguro sa malaking naitulong sa akin eh itong tsikot.com forum, yung mga nababasa ko dito eh kinukwento ko sa kanya, mga modus ng carnap, naka-atras ng bata, mga naaksidente dahil sa blind spot etc. because alam ko naman she is taking my tips seriously, actually natuto sya ng parallel parking dahil lang sa kwento ko sa kanya.

    all in all, she quickly learn, now after 3 years, my problem is medyo mabilis sya magdrive, sumasakit kamay ko sa higpit ng hawak pag ako nasa passenger seat.

  15. Join Date
    Nov 2008
    Posts
    4,642
    #15
    Last year tinuruan ko yung friend kong babae how to drive. Totally zero knowledge din sa cars. Ang ginawa ko lang inexplain ko lahat ng nakikita ko sa harap ko being the driver. After that tinuruan ko kung paano magstart ng kotse, pinagawa ko sa kanya a few times. Then explained how the MT gears work and para saan yung 1,2,3,4,5 sa stick shift as well as yung pagtimpla ng clutch. I guess nakakatulong din yung inexplain ko lahat clearly and concretely bago ko sya pinaupo sa driver's seat.

    Ayun 30 mins lang marunong na syang mag atras abante. Namamatayan syempre pero nagamay nya na agad. Basta wag ka lang magpapanic, trust her kahit papaano para maging confident hehe. Partida sa isang narrow street ko pa sya tinuruan.
    Last edited by Chikselog; January 22nd, 2013 at 12:54 AM.

  16. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    2,209
    #16
    dalhin ko na lang siguro sya sa UP. Sa may college of science (kung yun pa ang tawag don ngayon) medyo may maluwag na space don. worry ko lang kasi kung mag sudden acceleration e. baka di kayanin ng hand brake.

  17. Join Date
    Feb 2013
    Posts
    64
    #17
    after school practice talaga dapat. kahit alam ko may preno sila hindi ko inisip yun. basta yun driving style na tinuro nila, yun importante. kahit madaming tao marunong magdrive at pwede magturo sakin, i opt to enroll pa rin. saka may lecture din sya kasama kaya sulit na rin, plus the confidence na nakuha ko kahit pano

  18. Join Date
    Mar 2011
    Posts
    31
    #18
    My wife enrolled in Driving School sometime last year. After 10 hours of session, she's confident na kaya nya ng mag drive sa highways, pero for one reason or another parang wala ako tiwala at ako ang kinakabahan knowing yung road and traffic conditions dito sa Metro Manila. Kotse ang ginamit nila dun sa driving school kase kotse ang sasakyan namin nun. Now we have an AUV & SUV parang di angkop na imaneho nya at medyo mahaba tong mga eto in length compared sa sedan. She's persistent until now na mag drive daw para di na sya nagpapasundo. Shall I enroll her again & this time malaking sasakyan na ang gamitin nila?

  19. Join Date
    Apr 2013
    Posts
    360
    #19
    "observe"

    natuto akong magmaneho gamit ang pagmamasid. way back my highschool days kasi may suki akong jeep, so tuwing umaga e naka-reserved na sa akin yung front seat (tabi ng driver beside the kambyo, not on the window/door side)..so ayun, tingin tingin lang, paano mag-accelerate, paano mga tapak lalo na kapag traffic, overtaking, etc..

    then pag may chance, yung owner type jeep ng erpat ko naman atras-abante sa driveway ng garahe. based sa mga nakita ko kay mamang driver ng jeep, ina-apply ko sa owner jeep namin. hindi ko naranasan yung "tumatalon" pag apak sa sinilyador, kasi alam ko ang mangyayari dahil nakita ko na. unlike sa mga students from zero sa mga driving school..

  20. Join Date
    Dec 2002
    Posts
    1,299
    #20
    Quote Originally Posted by xagent_orangex View Post
    then pag may chance, yung owner type jeep ng erpat ko naman atras-abante sa driveway ng garahe. based sa mga nakita ko kay mamang driver ng jeep, ina-apply ko sa owner jeep namin. hindi ko naranasan yung "tumatalon" pag apak sa sinilyador, kasi alam ko ang mangyayari dahil nakita ko na. unlike sa mga students from zero sa mga driving school..
    dyan din ako nagpraktis sa OTJ, matututo ka talaga dyan magmaneho ng m/t tapos wala pang parking brake na aalay sa mga incline/hang. tapos magiging habit mo pa kapag nagpark ka ilagay sa 1st gear bago ka bumaba ng sasakyan.

Page 1 of 3 123 LastLast

Tags for this Thread

The Wife Wants To Drive