Hello mga SIRs,

Meron pong talsik na mga oil sa ilalim po ng hood ko. After ng ilang araw na city driving pag check nung weekend may kaunteng patak po ng oil sa ilalim po ng hood. Tapos nagbyahe ako last weekend sa lubao, pampanga. Pag tingen ko kanina sa hood madami na siyang talsik.

Panu ko po malalaman kung san ung talsik? Malinis naman po yung engine valve ko, wala pong bakas ng pagtagas. Mahigpit po pagkaka suksok sa dip stick. Na-try ko na po i-start tapos todo rev, wala naman talsik.

Spark plug po kaya problema? o engine valve seals?

TIA