yung van ko po kasi pag mainit nagloloko andar ng makina, aabot lang sya ng 3,000RPM then pag sinagad pa throttle bagsak ang RPM nya na parang naka idle tapos pupugak pugak,, pero pag malamig at bagong andar hataw sya, humihirit hanggang 6,000RPM...
Napalitan ko na ng spark plug, platinum pa nga eh, hehe... pati high tension cable bago rin po,, napahiram na rin po ako ng coil and igniter nung kakilala ko pero ganun pa rin po...
Huli ko na lang po magagawa ay yung gasolina bago ko dalin sa mekaniko,, dati po kasi unleaded talaga nilalagay ko, nag try ako ng V-power ng shell, ok naman sya,, then after a month, naglagay ulit ako ng unleaded,, di ko po sure kung doon nagmula... wala rin po ako idea sa EFI... help po, baka may naka experience na po sa inyo ng ganito...
isa pa po pala sir, ngayon ko lang na discover,, pag pinatay ng mga 1 minute then start, ok na ulit.. then siguro bago ko mag shift 5th gear *3000RPM, nabalik ulit yung problem... kaya malamang hindi sa init ang problem,..
possible nga ang fuel pressure,, pag siguro naka rest ang engine nakaka build up ulit ng pressure,, so malamang kaya filter sir?? naba block yung pressure galing pump??