mga idol,

I have a corolla xe with 2e engine. medyo maingay na po yung belt (di ko alam anong tawag) fan belt ang sabi ng mekaniko nakausap ko pero sa may makina naman sya nakalagay then yun isa sa alternator ata yun. so sabi nya, yung belt lang daw yung maingay. then dinemonstrate nya sa kin binuhusan nya ng konting tubig and nawala ang ingay.

ang advice nya ay bumili ng "belt greasing". so may nabili ko na Cyclo Belt Dressing. Ginamit ko ang mas lalo syang umingay. Parang sobrang lagkit na ng tunog nya. Parang yung tunong ng gulong natin sa Robinsons or SM carpark. hehehe. Sobrang nahihiya na po ako kasi everytime na start ko engine, maingay talaga.

Iniisip ko pong gawin ngayon patakan ko ng engine oil yung belt. pwede ko ba gawin yun para mawala yung ingay? or ano po ba best na paraan para mapatahimik ko yung? TIA