My ride is Honda Civic vti, 96 model, automatic transmission. Pina-overhaul ko yung makina. Pinalitan ng liner sa machine shop.
Ang problema, pag bagong start yung oto, bumababa ang rpm niya hanggang sa mamatay. Ang ginagawa ko, nire-rev ko muna ng mga 5 mins then saka pa lang nags-stable yung idling.
Sabi naman ng mekaniko, aayusin niya sa monday. Tanong lang po, ano po kaya ang posibleng problema?
Baka nagalaw yung TPS (throttle position sensor), i mean, nawala sa original na position. Malamig makina, kaya mababa ang RPM, try mong ipa-adjust (taasan ng RPM).
nag tangal ka ba ng thermostat? kasi ganyan ang nangyari sa akin 96 VTEC din, pagbagong start pangit ang takbo namamataymatak, binalik ko ang thermostat kahit bagong start smooth ang takbo.
Di pa rin nagagawa yung idling problem. Namamatay pa rin pag bagong start. Sabi ng mekaniko, may kailangan daw i-adjust sa transmission. Ok naman daw yung servo. Connected ba sa transmission yung idling? Napapansin ko, ok lang yung idling pag di ako nag-rev. Pero pag nag-rev ako tapos binitawan ko, saka babagsak ang rpm tapos mamamatay.
Same problem here, same model and A/T rin Honda ko kanina kasi pag start ko ganun din ang problem bumababa ang RPM and shuts down, pero sa second start mo ay okey na. then pag medyo na pahinga ganun ulit ang problem. ano kaya diperensya nito mga paps?