Pa help po sa problem ko. Kahapon kasi pag ka check ko sa Reserve coolant ko walang laman as in ubos sa radiator naman meron.. kakakuha ko lang sa casa nung last saturday and nag check ako ng reserve coolant monday afternoon na. So bumili ako ng coolant mixture and nilagyan ko sya hangang sa tamang level then after 12-14 hours check ko ulit yung reserve niya and napansin ko 1/4 ng nilagay ko eh wala na kahit hindi ko pinatakbo auto. Nag check din ako if my leak ako and so far wala naman akong nakikitang leak. Normal lang po ba humigop siya ng 1/4 reserve coolant? as of now po this morning nilagyan ko siya ulit ng reserve hangang sa tamang level. ill check ulit later kung mababawasan siya ulit ng reserba kahit diko pa pinapatakbo kotse. BTW honda city 2k po kotse ko