May iconsult lang ako regarding sa nangyari saken kagabi.
On my way home from Lipa to Manila, nagkatrouble si Avanza AT. Pagkaexit ko ng Tambo, bigla na lang umilaw si "check engine oil" then sabi ko na baka maka abot pa ng sto tomas kasi maraming talyer dun.
During the travel, may ingay pag inaapakan ko ung silinyador pero pag di naman, walang ingay. Hanggang sa umilaw na ung 3 warning lights sa dashboard (check batt, engine oil, etc.) Nung matabi ko, ayaw ng magstart. Pag ka click, wala ng redondo. Malakas naman battery. Kakapalit ko lang last year.
Ano kayang nangyari and ano magiging solusyon.
Car is *74k odo. Last change oil and maintenance *67k.