tatanong ko lang sana kung anong reason kung bakit napakababa, umaaabot lang ng mga 3-5 km/L yung ford lynx na ginagamit ko.. first of all, na-ondoy siya. ever since nabalik siya galing sa talyer, ganon na siya kalakas kumain ng gasolina. ang 500 pesos ko umaabot lang ng ave ng 40 km.. tandang sora ako nakatira, tapos opisina ko sa ortigas pa. so pumapatak halos na dapat every day nagpapagas ako ng at least 500..
ang alam ko kasi dapat nasa 10 km/L yun... more or less...
may times na pag napapadalas ako tumapak sa clutch (lalo kapag traffic), nangangamoy gasolina yung loob ng kotse. yung tambutso din nangangamoy gasolina.
ano sa tingin niyo ang problema? sabi ng isang mekaniko na natanungan ko, baka may kinalaman sa sensors dahil nagpalit ng computer box. sa tingin niyo totoo ito? magkano budget dun kung ganon?
may isa pa nagsabi, baka yung "patch lining" kasi yun ang pinagawa niya nung malakas sa gasolina yung kotse niya..
kung hindi ang mga iyon, ano ang massuggest niyo? at saan ok magpagawa ng kotse, yung hindi manloloko.. medyo tight budget ko dahil napakalaki na ng nagastos ko sa gasolina nitong nagdaang 2 months.