Gud day sa mga tsikoteers, problem ko po sa newly overhauled carb sa auto ko eh mataas po idle speed 1,800 rpm kapag start sa umaga, then baba after 1 min sa 800 rpm. Sa A&M carb specialist sa kamuning ko pinagawa. Gumamit po ng repair kit at nag palit ng pump jet. Problem po dati ay nag je-jerk sa 2ndgear, mahina hatak, di stable ang idle taas baba lalo na kapag nakaair-con, at hard starting sa umaga. Ngayun po malakas na hatak at hinde na nag jejerk, 1 click lang start na agad kahit 2 years na batt ko na motolite enduro but taas ng idle speed sa umaga then stable after 1 min sa 800 rpm. Question is makonsumo ba sa gas ito o makaka sira sa engine?
Sa mga new cars na EFI normal lang ang mataas na idle speed habang warm-up. Di ako sure ano ang normal sa carb engines pero kung bumababa naman kaagad ang rpm within 1 minute, hindi naman ito dapat ika-worry masyado.
normal lang mataas ang idle pag bagong start then bababa na ito sa normal unti unti habang nagiinit ito, try mo ang search muna bago mag create ng same thread meron na nito like http://tsikot.yehey.com/forums/showthread.php?t=45096
Thanks po... newbie pa lang po, now I know na normal lang pala situation ng auto ko kala ko ako lang nakaka experience ng Fast Idle Start. God Bless and Thank you.