Mga bro
Normally, ilang litro ang pondo ng gasolina sa tangke lalo na sa lumang auto, Stanza 85?
Para kasing tumaas ang dapat na maging pondo ng auto ko mula ng ipinalinis ko ang Gas Tank, Fuel Filter, Fuel Pump, Air Filter.
Dati-rati kahit na lagpas na sa empty ang naka-indicate sa fuel gauge as in konti na lang ay level 0 na ang stick ng fuel gauge ko eh umaabot pa rin ako sa gasolinahan malapit sa amin.
Pero pagkatapos naibaba ang gas tank, at pinakita pa sa kin ng mekaniko ang na-drain nyang gas around 5 liters pa daw yun bago nya ibalik uli sa tangke.
Pagkagaling sa talyer, nagpunta lang ako sa bangko na napakalapit lang sa amin, tapos kinabukasan nung iniistart ko na ang makina, nag-start for about 5 mins then bigla na lang namatay tapos nun ayaw na talagang mag-start.
Tsinek nung mekaniko yung fuel pump ang sabi eh wala na daw mahigop na gasolina pero tinignan namin yung tangke may laman pa naman, tapos nung nilagyan ko ng 2 litro, nag-start na uli.
May mali kaya sa pagkakagawa nung mekaniko?
TY




Reply With Quote

