yung kotse ko taas baba yung minor at kita sa gauge ng RPM bale dati, yung normal na tingin ko sa kanya dalawang guhit bago mag 1x1000 ang reading ng rpm ng minor. and nito ngang two weeks na pansin ko, mabaho ang tambutso ko, yung masakit sa ilong. and kapag naka-primera ako at aakyat sa high hills para syang mamamatay then hahabol ng hatak. tsaka malakas kumain ng gasolina ngayon.
hindi ko pa nga lang nacheck ang spark plugs ngayon, nagpatingin ako sa isang driver kong kakilala, tiningnan yung ilalim, and sabi maitim daw yung bandang gitang part ng tambuto, baka may butas daw.
naaamoy ko nga yung mabahong amoy pag nasa loob ako ng kotse, kahit bukas ang window.
ano pong posibleng sira nito mga bossing?
yung bang symptoms na nadescribe ko eh posibleng dahilan ng butas na tambutso?