Kailangan nang palitan ang valve cover gasket ko kasi nagle-leak na yung oil sa mga gilid ng valve cover ..
Bumili ako sa casa ng oem valve cover gasket .. Plano ko na sanang ipalagay, kaso sabi ng mekaniko baka kailangan na rin daw palitan ang Spark Plug Oil seal pag nabuksan na yung valve cover at hardened and shrink na ang seals baka mag cause ng leak sa spark plug wells pag ibinalik ang valve cover na hindi na palitan ang spark plug oil seals ..

Sa CASA, nasa P400 ang isang spark plug oil seal, eh dapat 4 ang bilhin ko .. masyadong mahal .. anong magandang brand ng spark plug oil seal replacement outside sa CASA ..

Sa ngayon, valve cover gasket lng ang may leaking ng oil .. yung 4 na spark plug wells walang leaking, meaning tight pa ang spark plugs seal .. hindi ko lang alam kung luluwag yun pag natanggal na ang valve cover pag replace ng valve cover gasket kaya gusto kong maniguro ..

Kailangan ba talagang palitan rin ang spark plug oil seals pag nagtanggal ng valve cover ???