I drive a '93 Civic ESI. May iko-konsulta lang akong problema sa inyo para lang magka-idea ako kung ano nangyayari sa sasakyan...
Kasi kapag halimbawa, pumarada ako, then patay makina. Kapag kailangan kong umalis ulit, hindi ko mai-start agad yung auto. Pag ikot ka ng susi, may redondo pero hindi yung usual na redondo e - parang mabagal na dahan-dahang redondo.
Para mai-start ko yung sasakyan, kailangan iwan ko munang patay for about mga 8-10 minutes.
Mukha bang electrical? If so, may alam ba kayong mga matinong pwedeng tumingin/tumrabaho nito sa Pasig area?
dre, napacheck mo na ba bat. mo? mahina na yata bat mo, ipa-check mo na rin alternator mo baka hindi na ito kumakarga. Sa mga motolite dealer nag-che-check naman sila ng bat at alternator.
uy chief salamat sa reply.
about half a year old pa lang yung batt ko, pero i'll have it checkd out pati alternator ko na rin. napansin ko nga sa ibang thread na tuwing may problema sa starting, ito ang una ninyong tinitignan - was just wondering baka iba ung sa kaso ko dahil hirap mag start after the car's all warmed up instead of when it's still cold.
baka nag-pa tune up ka lately, lalo na kung sa casa? kasi minsan inaalis ng mga mekaniko yung battery connections while working on your car. safety procedure kasi yun, para hindi ma-start yung car habang ginagawa nila.
so kung yes ang sagot mo, baka nakalimutan nila higpitan yung battery terminals mo kaya lobat ka na. nangyari sa akin yan sa diamond motors, pa-service ko sa casa tapos hndi nahigpitan yun battery terminals, na-lobat tuloy kotse ko.
or worse, patay na alternator mo kaya nalo-lobat ka.
Last edited by yebo; September 23rd, 2003 at 10:32 PM.
Originally posted by yebo baka nag-pa tune up ka lately, lalo na kung sa casa? kasi minsan inaalis ng mga mekaniko yung battery connections while working on your car. safety procedure kasi yun, para hindi ma-start yung car habang ginagawa nila.
so kung yes ang sagot mo, baka nakalimutan nila higpitan yung battery terminals mo kaya lobat ka na. nangyari sa akin yan sa diamond motors, pa-service ko sa casa tapos hndi nahigpitan yun battery terminals, na-lobat tuloy kotse ko.
or worse, patay na alternator mo kaya nalo-lobat ka.
I see. Di naman ako nagpa-tuneup anytime recently, although there was a time na maya't maya ay tinatanggal yung battery dahil nagkaproblema ako sa evaporator ko noon (e nakaharang yung batt ko sa parang connection nung evaporator ko to other parts of my a/c)
Question lang... Ganun ba talaga, batt and alternator ang pinaka-likely na problem, kahit mukhang oks naman yung ibang electrical ko (stereo, lights, etc)?
Also, does anyone know of decent shops in the Pasig area who can check this out for me?
Originally posted by chieffy may dealer ng motolite malapit dyan sa circle, malapit sa munisipyo...they'll be able to check your battery and alternator's condition...
kinikilig ba ang makina mo after turning off the engine?
ganun ksi dati ang car ko, kaya hirap magstart kapag right after turning off the engine. kailangan pa tuloy bombahin ang gas pedal in order to make the engine start again.
zero: Oo nga, medyo nanginginig. Parang bagong jingle hehehe. Pero pag tinry kong i-start ulit, kahit bombahin ko gas ayaw talaga. Kailangan palamigin muna for several minutes.
I'm having it checked out this week. Hopefully this'll be a one-visit-to-the-shop affair.
dieseling daw ang tawag nila sa sakit na yan.
yung patay na sa susi pero umaandar pa ang engine for a few seconds tapos nanginginig. parang bagong jingle nga! hahaha!
umaamoy gasolina pa minsan.
adjust timing ang ginawa sa car ko nuon.
tapos nagfuel system cleaner ako ng mitsubishi (lancer kasi car ko) to clean the clogging of carburators. maraming carbon deposits na daw kasi. 10 years old na si lancer ko.
matino gumawa sa pasig area :
shell station - raymundo ave. (bago mag sementeryo)
caltex - shaw cor. pioneer
servitek - kapitolyo
tyrepro - united st.
pag di pa rin gumana yang mga advice nila, pacheck mo na rin starter mo. in my case, pag mabagal redondo during start up, battery ang problema pag hirap sa cold start, pag hindi naman, yung starter na pag hirap kahit mainit na makina. pudpod na kasi ang carbon. just an idea.
check mo din ignition coil. pag mainit ang ig coil di start. try to hold the ignition coil...opps... ESI pla eto, baka built in sa distributor, well check mo na din.
if u want to take your car to shop, ok sila doon sa Wizzards sa Tomas Morato near E. Rodriguez sa tapat ng Zafra. experts sila sa electrical problems ng car.
ganyan sakit ng saken kaso diesel naman. it has something to do with the solenoid para kasi syang isang malaking relay. pag umiinit eh ayaw na mag konek or something like that. pinalitan ko yung solenoid oks naman tapos di rin nagtagal. ayun naasar ako pinalitan ko ng bagong starter swabe na hehehehhe