hi guys, alam nyo ba kung san makakabili ng led backlight para sa speedometer ko, medyo luma na rin yung oto ko kaya incandescent lang yung stock. medyo na kokornyhan na kasi ako sa itsura eh, gusto ko sanang palitan ng led na bulb kung meron man. kaya lang ayaw ko naman mag DIY or retrofit ng ganun, baka lalong masira. nakita ko na kung ano yung itsura ng bulb nya, maliit lang sya na parang di-screw. tumingin na ako sa blade at ace hardware pero wala daw silang ganun. sa concorde kaya? san pa kaya sa tingin nyo? thanks!