
Originally Posted by
laklak
guys i have the same problem. Last january I bought an outlast low maintenance batt for my L200. After a few days, hirap na mag start, patay na ang baterya. First pinalitan ko muna ng batt terminals and pinacheck ko yung alternator. Sabi naman ng tumingin ng alternator kumakarga naman daw. Pina charge ko yung battery just to observe kung mamatay ulit. After around 2 or 3 days ganun ulit, patay nanaman ang battery. So pinacheck ko ulit, this time nagpalit na ako ng glow plugs tapos pina test ko kung grounded. Di naman grounded, ang sabi kasi para malaman kung grounded dapat mag spaspark pag tinatanggal-kabit yung ground wire sa neg terminal.
Pinacheck ko sa isang electrical shop ang sabi sa akin may problema na daw yung battery dahil di na daw nakakapag keap ng charge, since according to them kumakarga naman daw alternator and di naman daw grounded. Pero 4 months pa lang ang battery ko parang ang imposible naman atang sira agad, also i was thinking baka gusto lang nila ako bumili ng baterya sa kanila dahil motolite dealer din kasi sila eh. Anyway, i decided to bring the battery back to the shop where i originally bought it. Chineck nila una ang sinasabi baka daw may naiiwan lang akong nakabukas na ilaw, at this medyoo na irita ako dahil di naman ako tanga na mag iiwan ng nakabukas na ilaw multiple on occasions for 4 months. Then he suggested that the alternator may not be charging the battery with the correct rating. Ang sabi niya dapat daw nasa 13.2V yung sukat pag proper charging, yung pinakita niya sa akin sa metro nya around 12.8 V yung kinakarga. That is why di daw nag chacharge lalo na pag bukas ang ilaw and aircon.
Now my question is tama ba ang kanyang diagnosis? Naadjust ba ang voltage rating ng alternator? kasi ang pagkaalam ko fixed output voltage dapat yan diba? unless bumagal ang speed ng rotation ng alternator. Kasi a few hours prior to going to Outlast, pinacharge ko yung batterya, tapos nung pagdating ko sa outlast nung chineck nila using yung parang glass tube, lumalabas yung water level dun red marking (discharged). When I confronted them with this ang sabi hindi daw chinarge sa unang shop na pinagdalhan ko. Ayaw lang ba talaga nila palitan ang baterya or talaga bang may diperensya auto ko? Btw bagong palit lang yung carbon brush nung alternator ko last year.