gud day mga sir, mejo nabawasan ng lamig ac ko kanina kaya bumalik ako sa aircon shop na pinagawan ko. huling service na ginawa ay change evapotaror at hose sa may compressor kasi may pin hole leak na nakuha. ginawa ito last nov 3, 2012.

so binalik ko sakanila kanina, at dinagdagan lang nila ng freon,sabi ko kung nagbawas ba? sabi nila oo daw konti,normal naman daw ito sa unang gawa kasi daw di pa msyado nagcirculate masyado yung freon, kaya di daw tlga mapupuno ng freon ang system kasi magbabawas daw ito kapag magcirculate na ng maayos sa system, at ngayon daw ay nag circulate na lahat kaya mejo nabawasan daw. normal daw ito kapag bagong gawa. lahat naman daw ng ginawa nila ay ganyan, wala naman sila nakuhang leak sa system at normal ang pressure sa high side 160, at low side nasa 35.

normal ba talaga ito mga sir? iniisip ko kasi kung may leak pa sila na di nakuha, pero sigurado sila na wala n daw talaga leak, at wala naman traces ng oil sa mga tubes.

so far,wala naman bayad yung dagdag na freon kasi normal daw ito, at 3months warranty naman yung gawa nila. ok naman yung shop na yun. madami nagpapagawa lalo na mga pampasaherong van at mga bus pa nga.

ang sakin lang kasi, yung hassle na pabalik balik ako sa shop nila kung sakaling mawala nanaman nag lamig.

so far ang sarap nanaman ng lamig ng oto ko. hehe

TOYOTA COROLLA 93 GLI nga pala oto mga sir, 4afe engine