Hindi ko maintindihan kung paano mo na-check yung fuse kung hindi mo alam kung nasaan.
Anyway, madalas ang fusebox nasa ilalim ng dashboard, either side. Yung iba nasa likod ng glove box. Kung hindi mo alam kung aling fuse, check mo na lang lahat sa ohmmeter kung OK pa. Check mo voltage sa fuse terminals kung alam mo na kung alin yung fuse ng cabin lights.
Kapag wala pa ring kuryente sa bulb socket, check mo rin yung cabin light switch at baka sira na yung contacts. Meron dapat 12v sa isang pin ng switch kahit na ang sasakyan mo ay: bukas/sarado ang pinto, umaandar/patay ang makina.