Pahelp naman po., may nakuha kasi ako instrument cluster na may tacho, kaso parang may sira yun fuel gauge ko, once nagpakarga ako ng full tank ok naman sya asa sagad un measurement but once nagconsume nako ng gas upto malapit na maubos, un pointer nya asa gitna lang (half tank) hindi na sya nababa dun.Parang limited lang sya dun. may idea po ba kayo kung anu problem dun? also repairable paba yun?
mukha pong ang sira niyan ay yung floater po....buksan niyo yung tank then alisin ung wire na papunta sa dashboard at tingnan yung gauge kung bumaba pag bumaba po floater ang prob niyan kung hindi naman po bumaba stock po yung gauge niyo....
2 lang yan, possible na sira ang float tulad sinabi ni lanceloi or sira ang meter.
Pero kung ako sayo unahin ko muna tingnan ang float kasi mas mura un at madaling tanggalin kesa sa instrument panel.
*lanceloi,*reym :
Thank you po sa mga advise. sorry forgot to mention pagbinalik ko yun lumang gauge ko (without tacho) nagana po un fuel gauge.
*bokens igorot:
Naayos ko na sya. ala pala sa align yun pointer. I mean tinanggal ko yun needle dun sa gauge then binalik ko pointing to EMPTY. (knowing na empty na un tank ko). Ayun nung nagpagas ako ng full tank upto maubos ko ulit sumusunod na un needle.