
Originally Posted by
cktlcmd
update lang uli...
sa exterior comparing Foton Blizzard and JMC Hunter pickups... mas maganda ang quality nun black rubber moldings sa JMC Hunter pickups... kasi yun sa Foton medyo tabingi sila at mukhang madaling matatangal... pero pareho silang matigas ang kaha sa doors, sa likod, sa hood, at sa side panels... mukha namang makapal na sheet ang ginamit... except sa bubong... kasi yun lang ang part na kaya kong mapipi with minimal effort. Tiningnan ko din ang ilalim... both naman sila mukhang naka rust proof na... pero kung ako ang bibili... baka ipa-rust proof ko yun undercarriage habang bago pa.
Isa pang nagustohan ko sa JMC eh yun quality nun door handles... definitely better than Foton's.
Tapos tinanong ko yun salesman... kasi both Foton Blizzard at JMC Hunter pickups ang under sa kanya... kung ano ang pipiliin nya??? Sagot nya... JMC kasi nga daw eh locally assembled na at mas OK mag hanap ng parts... sabi din nya... so far wala pa daw major problems about the engine or chasis na nareklamo sa kanya.
Ang sabi nga nya... mabagal nga daw humatak ang JMC compared sa Foton, na naka Turbo na ang engine.
...